TL4

10 1 3
                                    

Mali yata ang desisyon ko na lumabas. Bakit nga ulit ako lumayo sa bar? Ang sama ng tingin sa akin ng mga tao dito. Binilisan kong maglakad pabalik sa harap ng bar.

Napansin kong may mga sumusunod sa akin kaya lalo akong nataranta hanggang sa matapilok. Pumikit ako sa takot at hinintay ang sariling bumagsak sa matigas na semento.

“You okay?” Tanong niya.

Natulala lang ako.

“F^ck! Zea, are you okay?”

Umiling na lang ako at napayakap sa kanya. Nasulyapan ko pa yung mga lalaking mabilis na naglakad palayo sa amin. Sobrang higpit ng yakap ko sa kanya.

“Sssh! Tama na. I’m here.” Pinunasan niya ang luha ko pero nakayakap pa din ako sa kanya at ang isang kamay niya ay nakaalalay pa rin sa likod ko. Ipinatong niya sa rin sa akin ang hawak niyang jacket.

“Gus..to ko n..ng umu..wi.. pls.” Nauutal kong pakiusap sa kanya.

“Calm down first.” Pumasok ulit kami sa loob ng bar pero sa hindi mataong lugar. Iilan lang ang nakakaalam ng parteng ito.

Mayat-maya ay inilabas niya ang kanyang cellphone at may tinawagan.

“Pls bring me a bottle of water here in the vip lounge. Pakibilisan.”  Utos niya sa kabilang linya.

“What are you doing outside?” Mahinahon niyang tanong sa akin.

“I want to..to go home.”

“Thank you!” Pagkaabot sa kaniya ng tubig. “Drink this.” Sabi niya sakin kaya ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Nanginginig ang kamay ko kaya inalalayan niya ang paghawak ko ng bote ng tubig.

“Bakit hindi ka bumalik doon kanina? Sabi mo powder room lang pero nawala ka na.” Wika niya.

Pagkatapos kong inumin ang tubig ay medyo kumalma ako.

“Wala naman akong silbi dun e.” Sagot ko, at namumuo na naman ang luha ko.

“Ikaw ang kasama namin doon, bakit mo sinasabi yan? Hindi ka pa naman lasing diba?” Tanong niya.

“Hindi pa ako lasing. Natatakot lang ako dun sa mga sumusunod sa akin kanina.” At tumulo na naman luha ko.

Gulat ako at hindi makapaniwalang niyakap ako ng lalaking ‘to.

“Tama na. Papangit ka niyan. Balik na tayo dun.” Anyaya niya ngunit may panginginig pa rin ang mga kamay ko. Kinuha niya ito at pinisil pisil.

“Gusto mo na ba talagang umuwi?” Tanong niya. Tumango lamang ako.

“Saan ba bahay ninyo?”

“Sa condo ko na lang. Malapit lang dito, 10-minute drive. Sa may For1 building.”

“Hatid na kita.”

Inalalayan ulit niya ako hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Tahimik lang ako sa sasakyan hanggang maihatid niya ako sa mismong unit ko.

“Kaya mo na?” Tanong niya.

Hindi ako makaimik. Natatakot pa rin ako.

“Zea?”

“Pwede bang ano. Uhm! Samahan mo muna ako?” Tanong ko sa kanya.

“Sige. Kung yan ang gusto mo.”

“Hindi ba kita naaabala?” Tanong ko ulit.

“No. Basta samahan lang kita.”

Pumasok kami sa unit ko. In-on ko muna yung tv para makapanood siya. Nagbabad ako sa bath tub ko ng tatlumpong minuto at nagpalit nang pantulog.

Sinamahan ko siya sa living area. “Hindi ka pa inaantok?” Tanong ko.

“No, I’m fine. Ikaw?” Tanong niya sa akin pabalik.

“Ano kase. Nakakahiya na sa’yo.” Sabi ko habang nakatingin sa mga kamay kong ayaw na naman kumalma.

“Hihintayin na lang kita na makatulog bago ako umalis, I’ll just lock the door when I leave. Okay?” Seryoso niyang wika. “Come here.” Dagdag niya.

Umupo ako sa mismong tabi niya. He held my hand at pinisil pisil niya ito hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising akong nasa silid ko. Alas nuebe na pala. Gutom na gutom na ako. Pinilit kong bumangon kahit inaantok pa ako nang may mapansin akong sticky note sa vanity mirror ko.

ZEA,
IPINAGLUTO KITA NG BREAKFAST. WARM THE FOOD NA LANG KAPAG LATE KA NAGISING. HUWAG KA MUNA LUMABAS. REST WELL.

- VAL

“Zea, nakakahiya! Sa sofa kaya siya natulog? Di nga kayo close e.” Sabi ko sa sarili ko.

__
a/n
itutuloy ko pa po ba? huhu!
galing pa rin po ito sa drafts ko dati pa.

TOO LATE (1ST.ONE Fanfic)Where stories live. Discover now