Kabanata 2

18 0 0
                                    

      
Ang pagbalik sa nakaraan

Nakakasilaw hindi ko alam kung nasan ako. Eto ba ang tinatawag nilang after life, hindi ko maidilat ang mata ko sa sobrang liwanag.

"Gusto mo bang bumalik sa unang mong buhay Scarlet?" Siya yon siya ang narinig ko kanina, pinilit kong idilat ang mata ko para makita siya.

Isang babae na hindi ko makita ang muka dahil sa liwanag

"Hindi kita maintindihan anong babalik sa una kong buhay? May na una pakong buhay? Atshaka nasan ako?

"Ang lupit ng tadhana saiyo, Ang una namatay ka dahil sa mga pinaratang sa mga magulang mo at ngayon ang magulang mo naman ang pumatay sayo." Ramdam ang pag ka dismaya sa tono niya

"Gusto mo ng Pamilyang mamahalin ka hindi ba?" Naging alerto ako sa narinig ko sa kanya.

Hindi ko nakikita ang muka niya pero mabilis akong tumango sa tanong niya.

"Kung ganon ibabalik kita sa una mong buhay"

"Totoo b--" hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng Bigla uli siyang mag salita "Sa isang kondisyon" hindi ko alam kung anong kondisyon ang gusto niya pero mag kakaroon ako ng pamilya.

"Sa totoo lang mas magulo ang unang buhay mo subalit ang hanap mo naman ay mabuting pamilya, maari mo naman itong mabago, nasa iyo kung paano mo ito mababago" patuloy lang ang pakikinig ko sa sinasabi niya kahit marami akong tanong sa isipan ko.

"Kaylangan mong pigilan ang pamumuno ng pamilyang Delfonso dahil dito na mag uumpisa ang kalbaryo ng mga tao." Naramdaman ko ang pag seryoso ng boses niya.

"Alam ko agad kung paano mo ito pipigilan katulad lang ng ginawa mo sa pangalawang buhay mo pero nag kakamali ka kahit patayin o ubusin mo ang pamilyang Delfonso ay mag tutuloy tuloy parin ang pag hihirap ng bayan mo, ibig sabihin ay hindi sila ang ugat kaya humanap ka ng paraan upang pigilan ito at hanapin ang salarin, Wag kang mag alala habang patagal ka ng patagal sa buhay mo noon ay onti onti mo rin ma alala kung ano ka dati" Na aninag ko ang ngiti niya.

Mag sasalita pa sana ako dahil marami pakong gustong itanong sa kanya ng Biglang---- na walan ako ng tinatapakan

Sobrang bilis ng pag kahulog ko pero tuloy tuloy parin 'to

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh~

Ramdam ko ang sikmura ko na tumataas dahil sa patuloy kong pag hulog,  akala ko ba dadalhin niya ko sa una kong buhay bakit parang papatayin niya pako? Pero patay nako? Double dead?

Ahhhhhhhhhh~

*Tik ~ tok*
*Tik ~ tok*
*Tik ~ tok*
*Tik ~ tok*

Nag takip ako ng tenga dahil sa sobrang ingay nang naririnig ko ngayon habang patuloy parin ang pag hulog ko binuksan ko ang mata ko ng hindi ako makapaniwala kung anong nakikita ko ngayon

Mga nag lalakihang orasan habang lumulutang  ang mga ito.

"Mag iingat ka Scarlet, hangad ko ang kaligayahan mo at sana ay mag tagumpay ka, hangang sa muli. narinig ko ang babaeng nakausap ko kanina teka naririnig ko siya sa isip ko

*Ramdam ko ang pag bagsak ko pero hindi ako makatayo dahil ang sakit ng katawan ko. Buti nalang mga tuyot na dahon ang pinag bagsakan ko kung hindi baka bali-bali na ang katawan ko

Nasan ako ang sikip, tumingin ako sa taas nakita ko ang kalangitan ng marealized ko kung nasan ako ngayon

Nasa balon akoo???!! Pinilit ko parin tumayo kahit gusto nang bumaksak ng hita ko, sinubukan kong gamitin ang dagger ko para maka akyat ako pero mahirap talaga, kung minamalas ka nga naman talaga mamatay din pala ako agad dito e.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back To 19th centuryWhere stories live. Discover now