Lost But Found 2

24 3 0
                                    

Ano ba ‘yan? Wala pa ‘yong diwa ko eh. Tumunog na’ yong alarm clock kaya pilit kong inaabot ito sa headboard ng kama. Nang maabot ko na ang alarm clock, agad ko ‘tong pinatay.

Kinuha ko’ yong phone ko na 3210 Nokia na nakalagay din sa headboard. May chineck lang akong messages pero wala akong napala. The rest ng mga messages ay puro mga GMs na.
5:30 am na at kailangan kong magayos, Monday pa naman ngayon. Maliligo muna ako, naalala ko na hindi pala ako nakaligo kahapon ng hapon, tinamad  ako eh. Hindi na rin ako  naghapunan.

Pagkatapos kong maligo, nagsuot na rin ako kaagad ng uniform. Kinuha ko yong bag sa cabinet at nilagay ang phone sa bag. Bumaba na rin ako para makapag-break fast. Pababa na ako pero naabutan ko si mama na papaakyat, siguro para puntahan ako. Nang makita ko siya ay yumakap kaagad ako at humalik sa pisngi niya.

“Ark, do you  have a problem?” Nag-aalalang tanong niya sa akin.
“Nothing ma, thank you for your concern.” Pilit na ngiting sagot ko sa kanya. Tumalikod ako at aastang pupunta na ng kusina. Pero nagulat na lamang ako nang yakapin niya ako mula sa likod.

“You can tell it to me ah, naniniwala ako sa’yo. Anak kita.” Hindi ako makagalaw sa ginawa ni mama. Hinwakan ko na lang ‘yong kamay niya para iparating ang salitang alam ko. I don’ t want to speak, paniguradong magc-crack ‘yong boses ko. Hangga’t maaari pipilitin kong maayos ang lahat.

“Sige na ‘nak, kain ka na. Baka ma-late ka.” Ganito siguro ang lahat ng nanay. Tumungo ako sa kusina at kumain. Sumabay si Arky sa akin mag-breakfast.

“Alis na po kami Pa.” Humalik si Arky kay papa at ganon din ang ginawa ko.

“Magiingat kayong dalawa sa daan.” Tinanguan ko siya at tumalikod. Saktong alasais na, tamang-tama lang ang oras sa pagbyahe.

Papunta na kami ni Arky sa terminal ng tricycle nang magtanong siya.

“Wala na kayo ni ate Tam?” Walang ligoy na tanong. 2 weeks na kaming wala ni Tam at hindi yon alam nila papa at mama. Legal kasi kaming dalawa both sides. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Hindi ko sinagot si Arky, tahimik lang kami maglakad talaga.

“Ano pala ‘yong book ang binabasa mo kahapon?” Naisapan kong tanong. Hindi niya ako sinagot.

“Manong sa Scie Tech nga po.” Sabi ni Arky na pumasok sa loob, sumunod din ako sa kanya. This 2nd year na si Marky at ako naman ay graduating na. Ang galing din pala ng parents namin kasi puro M ang start ng names namin peri ang nickname ay nagis-start sa A.

“Binabasa ko ‘yong harry potter na book. Hiniram ko lang kay Ma’am, fan kasi siya.” Biglang sagot niya.

“Ah okay. Akala ko tungkol sa mga sex eh.”

“What do you think of me, pervert?” I just gave him na shrug. Malay ko kung ano naman kasi’ yon di ba? Nakarating kami ng school na pinagtitinginan ng tao. Ano’ng meron?

“May flag ceremony pala ngayon?” Napatinigin ako kay Ark. Oo nga pala, tuwing unang Monday ng buwan isinasagawa ang flag racing. Bakit nakalimutan ko na first Monday ngayong buwan?

Naghiwalay na kami ni Mark at pumunta da kanya kanya namin na pila. Kaya sila nakatingin sa amin ay dahil late kami. Kapag may flag  ceremony, dapat lahat ng students ay  nasa room na ng mga 6:00  at tatawagin sila ng 6:30 para pumunta sa school ground. Buti na lang at wala pang 6:30, dahil ipapatawag parents namin kapag lumagpas ng 6:30.

Nang makarating ako sa pila, hinubad ko ang shoulder bag ko at nilagay sa gilid. Maga-guidance kasi kami  if ever na may makakita na bitbit o dala namin ang bag. Nang matapos ang flag ceremony, kanya kanya na kaming mga estudyante. Ako ang naunang umalis, malalaman kasi nilang late ako. Kailangan malagay ko ang aking gamit sa upuan kaagad. At sa pagmamadali ko, nakabangga ako. Hindi ko na pinansin ‘yong estudyante pero humingi muna ako ng sorry sa kanya.

LOST BUT FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon