Chapter 8

7.7K 127 1
                                    

Zeus

Pumunta kami sa likod nang bahay naming tatlo kung saan mayroong lake doon, isa iyon sa dahilan kung bakit kami dito nagpatayo nang bahay. Simula bata palang kami yun na ang naging tambayan namin, kung gusto naming lumayo kapag pinapagalitan kami doon na ang naging takbuhan namin.

Nagpagawa din kasi kami ng tree house para kung sakaling andoon kami hindi na kami babalik pa ng bahay. Naging private property na din namin yun kaya walang maliligaw o makakapunta doon bukod sa aming Hayes Brothers. Pero nakakapunta lang yung mga pinsan namin sa tree house kapag hindi kami mahanap ng mga ito sa mansion o sa bahay namin.

"Wow" nababakas sa boses ni Ela ang pagkamangha.

"Do you like it babe?" tanong ko dito.

"Yes, it's so green and peaceful" sambit nito habang nililibot libot ang mata. Marami ring bulaklak sa harap ng treehouse kaya naman alam naming magugustuhan nito ang lugar na ito.

"Pwede maligo?" nababakas sa boses nito ang kasiyahan.

Tinignan ko ang lake na pagliliguan nito, matagal na simula kasi nang hindi kami nakaligo jan. Mga nasa college kami siguro nun, naging sobrang busy kasi dahil sa kompanya.

Buti nalang at hindi naging marumi ito, parang nililinisan parin ng mga trabahador namin. Binibigyan namin nang pahintulot ang mga trabahador once na maglilinis na sila dito. Hindi na din kasi namin ito maharap malinisan.

"Yes princess, you can" pagkasagot ni Hermes agad agad itong naghubad ng damit at sumulong agad sa lawa. Kitang kita namin kung paano nito naeenjoy ang paligid at ang tubig na syang yumayakap sa katawan nito.

Nang ma satisfied kaming panoorin ito pumasok muna kami sa loob ng tree house at tinignan ang mga gamit sa loob. Ganun parin ang ayos ng mga ito, kumuha si Hermes nang kumot panglapag siguro sa damuhan. Si Apollo naman ay kumuha ng mga chips at drinks, kumuha nalang din ako ng tuwalya kung sakaling gusto nang umahon ni Ela sa tubig.

Nang makalabas kami gulat kami ng nandoon ang apat, ang kambal na sina Cole ,Conner at sila Rowan at Amir. Pinapanood ng mga ito si Ela.

"Eyes up here boys, what are you doing here?" pagsusungit ni Apollo sa mga ito.

"Hindi man lang kayo nagpaalam na uuwi na pala kayo after ng lunch. The deal is off by the way" sumbat ni Conner and alam naman namin hindi namin makukuha ang deal lalo na't iba ang hinarap namin doon.

"Yeah gusto na kasi umuwi ni Ela kaya sumama na kami"

"That's new, hindi naman kayo ganyan sa ibang babae. Kayo pa nga ang nang iiwan." Rowan said.

"Well what can you say, iba si Ela sa mga babaeng yun" Hermes at nilapag na ang kumot sa may damuhan. "We're going to island tomorrow"

"Isasama nyo yung babae nyo?" Cole ask sabay bukas ng chips na dala ni Apollo. "Yeah"

"Kleigh is there, sa tingin ko naman ay magkakasundo sila. Wala din naman kasing ibang nakakausap yun bukod sa anak namin" saad ni Rowan.

"Tingin ko din" pagsang ayon ko rito.

Nakita kong umalis si Apollo dala dala ang tuwalya na dala ko, kinausap muna nito si Ela at mukhang ayaw pa umahon ngunit parang may sinabi si Apollo para mapapayag itong umahon. Agad agad naman itong nilapitan ni Apollo at ipinulupot ang tuwalya sa katawan nito.

Gusto mang alisin ni Ela ang pinangtakip sa katawan ay hindi ito pinayagan nakita ko pang tinuro ang kinaroroonan namin kung saan natigilan ito. Tila ba doon lang napansin kung bakit ganun nalang sya pilitin ni Apollo dahil may ibang tao na pala dito.

Nang makarating sila dito nagpakilala agad yung apat kay Ela.

"Hi beautiful I'm Conner and this is my twin Cole" sabay lahad ng kamay at tinanggap naman ito ni Ela at nagpakilala din.

"Ela Eshe Solace"

"Nice name, I'm Amir"

"Rowan" pagpapakilala din ng dalawa.

Tinabihan ko si Ela para samahan na itong makapag bihis sa taas at hindi na matuyuan. 

"Here babe you can use my tshirt, jogging pants and boxer" sabay bigay ng susuotin nito.

"Wala akong bra" mahinang sambit nito at doon ko napagtantong kailangan pa pala nito ng ganon, okay lang sana kung kaming tatlo lang ang nandito pwedeng pwede kahit hindi na magsuot pa ng ganun si Ela. Ngunit sa lagay ngayon kailangan nitong magsuot ng ganun lalo pa't nandito ang mga pinsan namin.

"Kunin ko sa bahay ,wait here" naka dalawang hakbang na ako nang pigilan ako nito sa braso. "N-no it's okay kahit pahiramin mo nalang ako ng hoodie" 

"Are you sure? Hindi ba b-babakat?" nautal pa ako at nag iwas ng tingin nang banggitin ito, so awkward.

"Hindi naman na"

"Okay wait tingin lang ako" hinalughog ko pa ang mga damit namin, karamihan kasi tshirt at suit ang suot namin. Madalang lang ang hoodie, I think we need to buy more hoodie for her. Nagsusuot pala kasi ito ng hoodie.

Atlast may nahanap ding isa. Ibinigay kuna ito at hinintay sa labas ng kwarto. 

"Tara na" napalingon ako dito nang nandito na pala sya sa harapan ko, hindi ko man lang napansin. Tinignan ko ang kabuuan nito, still pretty.

"Is it okay?" nababakas ang hiya sa boses nito kaya naman napatawa ako.

"Yes babe, kahit ano naman ata ang isuot mo babagay at babagay sayo. But you know what's my favorite? When you're naked ofcourse, kahit ata magdamag ko titigan ang katawan mo hinding hindi ako magsasawa."  

"Can you stop it" saway nito sabay takip ng mukha, ang cute talaga nitong mahiya.

 I chuckled softly and said "Come on, baka hinihintay na tayo doon. Masyado na tayong matagal dito"

Nakarating kami doon na nag iihaw sina Apollo at Hermes yung apat naman ay nakaupo lang sa may kumot.

"Doon ka muna sa kanila, sasamahan kulang sila kuya" paalam ko pero nang paalis na ako hinatak nito ang tshirt ko. "Do you need anything babe?"

"Nahihiya ako sa kanila" pansin kong mas kumapit pa ito sa akin na para bang ayaw talaga akong umalis.

"Sige ganito nalang, ihatid muna kita doon then kunin kulang yung mga inihaw tas balik ako agad. Is that okay to you?" I asked at tumango naman ito bilang pagsang ayon.

Pinaupo kuna dito malapit kina Rowan at Conner, sila kasi yung alam kong madaldal sa amin kaya baka mawala ang hiya ni Ela pag may maka close sya sa mga ito bukod sa amin.

Binulongan ko naman sila Rowan at Conner na sila na muna ang bahala, nang tumango ang mga ito. Binigyan ko nang chips at drinks si Ela bago pumunta sa kinaroroonan ng mga kapatid ko.

"Where's Ela?" tanong ni Hermes habang naggugunting pang ihaw na barbeque.

"Iniwan ko muna sa apat, kinausap ko naman sila Rowan at Conner na sila muna ang bahala. Madaldal naman ang mga iyon kaya hindi maboboring doon si Ela" sagot ko dito sabay tingin sa kinaroroonan nila Ela.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko itong nagtatawanan kasama ang dalawa. As expected from Rowan and Conner.

Hayes Brothers: TripletsWhere stories live. Discover now