Kabanata 3

186 15 22
                                    

Kabanata 3

"Let's get married."

Yan ang salitang nakapagpatulala sa akin. Ni hindi ko na namalayan sinusuotan na pala ako nila Carrie at Louise ng white dress with veil. Napatingin na lang ako sa salamin ng makitang meron na din ako kaunting make-up.

"Ate girl kanina ka pa tulala.. baka mainip yung groom sa labas." asar ni Louise.

Hinila na nila ako at napansin si Klive na nakatayo malapit sa ginawa nila altar. He's now wearing a suit. Mukhang nagpalit din siya ng pantalon at sapatos dahil slacks na itim at leather shoes na ang suot niya ngayon. Nang magtagpo ang mata namin ay napalunok ako sa kagawapuhan niya. Para talaga siyang groom na naghihintay sa bride niya. How I wish this was real..

Carrie gave me a bouquet of flowers and fixed my veil. Then the wedding march started.

"Lakad ka na girl.. Congrats!!"

I took that as a sign to start walking. Hindi naman malayo amg distansya pero pakiramdam ko ay kanina pa ako naglalakad. His eyes never left mine. Mas lalong nakakakaba. At nang malapit na ako ay lumapit siya para salubungin ako.

Siya pa mismo ang humawak sa braso ko habang naglalakad kami. Then the ceremony started, noon ko lang napansin na may mga estudyante na palang nanunuod sa amin ngayon. Siyempre dahil fake lang naman 'to saglit lang ay natapos at nagsabi na din ang fake priest ng "You may kiss the bride"

Doon kami inulan ng asar lalo na ng dalawa kong kaibigan. We faced each other at unti-unti niyang inangat ang belo ko. Hindi ko naman iniisip na hahalikan niya ako pero kinakabahan pa rin ako.

But he didn't fail to surprise me, nang halikan niya ako ng mariin sa noo at sa pisngi. Pagkatapos non ay pinapirmahan pa sa aming fake marriage contract. Tatlong kopya 'yon, isa sa bride, isa sa groom at isa para sa booth. Record nila para sa lahat ng nagpakasal.

"Mabuhay ang bagong kasal!!"

Sino pa ba ang sisigaw non kundi yung mga kaibigan ko?

Nagkaroon ng picture taking. Solo namin then kasama na ang lahat.

"Itaas niyo yung wedding ring niyo! Dali! Ayan smile na! Mr. and Mrs. Cleovarez!!"

It's chaotic but fun. Hindi ko rin narinigan na nagreklamo sa Klive sa kalokohan ng mga kaibigan ko. Pagkatapos noon ay nagpaalam na din kami dahil mag-iikot pa kami para mag-check sa mga booth.

"I-popost ko 'to mamaya! Winner!! ang galing natin Louise!!" sigaw ni Carrie na halos mabingi na ako sa lakas.

"Infairness di man lang pumalag si Klivey... baka gusto din.. Uy Carina yung group pic lang ang ipost mo ha? Dapat yung solo nila, isa kila Erin at Klive mag-post. Feeling ko daming maiinggit na girls sa kaibigan naten."

"Oo pinasahan ko ng copy si Klive tas magsend na rin ako sayo Erina. Ipost mo yan ah!! Be proud! Ikaw lang pinakasalan niyan! May bonus ka pang kiss kanina!!" kilig na kilig na sabi ni Carrie.

"All thanks to us! Sana manlibre siya no?"

"Oo nga.. hotdog lang sa akin."

Napangiti na lang.

"Oo na lilibre ko kayo mamaya. May nakita akong nagbebenta ng grilled foods don. Food trip tayo!" I exclaimed.

The day ended with the opening of our school pagent. Pinakilala ang candidates with their unique individual introductions. Maganda ang naging feedback sa amin ng mga teachers at school admins. Even our very own SC Adviser.

We decided to conduct a short meeting. Para na din sa magiging flow ng 2nd and 3rd day. Pagkatapos ay kaniya-kaniya ng uwi. At dahil sumabay lang ako kay Klive kanina, hindi ko alam kung tatawagan ko ba ang driver namin.

Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon