Kabanata 17

284 21 29
                                    

Kabanata 17

"Welcome home Ate! Mom and Dad!" masayang bati ni bunso pagpasok pa lang namin sa main door.

Mayroon ding nakahandang surprise welcome party. Puno ng pagkain ang mesa at may pang malakasang tarpaulin pa.

"I miss you so much bunso!" niyakap ko siya ng mahigpit at doon ay may narealize ako. Ang tangkad na niya!

"Dati gang balikat lang kita, ngayon kasing tangkad mo na yata si Kuya!"

Ginulo ko ang buhok niya, na ikinasimangot niya.

"Ate naman eh! Ang tagal kong inayos 'yung buhok ko.." reklamo niya na ikinatawa naming lahat.

"Your brother is growing up too fast, princess. Magugulat na lang tayo at magkaka-girlfriend na din 'yan." ani Daddy.

Bigla namang niyakap ni Mommy si Eijjei saka sinabing. "No, baby pa ang bunso ko.."

Daddy just shooked his head.

Masaya kaming kumain at nagkwentuhan habang hinihintay si Kuya na galing pa sa Bulacan para sa isang project na hawak niya. Engineer na din kasi si Kuya at sobrang proud ako sa lahat ng achievements niya. He's an in-demand engineer as of the moment. Ilang prestigious projects na ang tinanggap niya na lalong nagpabango ng pangalan niya, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa abroad.

As his sister, I'm happy for all his success. Pero ang alam ko ay may hinahanap siya, all these years. The only girl who taught him how to love with all he has. Na hanggang ngayon ay pinagtataguan siya. Mukhang parehas pa kaming malas ni Kuya sa pag-ibig.

"Speaking.." Mom pauses. "Here's Eirron! Come on son, our princess is here!"

Nakita ko si Kuya na suot pa ang baby blue dress shirt niya at itim na slacks. Marahang hinahawi ang clean cut niyang buhok. His deep set of eyes are more defined, as well as his jawline. Ang matangos niyang ilong at manipis na mamula mulang labi ang nagpakumpleto ng kagwapuhan niya. Hindi ako makapaniwala na ganito mag-mamature si Kuya. He aged like a fine wine, or even better.

"Kuya!" sigaw ko sabay takbo sa direksyon niya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago gumanti sa mahigpit na yakap na ibinigay ko sa kaniya.

"Welcome home, princess. Laki laki na ng uhugin kong kapatid dati.." biro niya na ikinasimangot ko.

"Kuya naman eh!"

"Na-miss kita princess, hindi ka na lalayo ng ganon katagal ha?" malambing niyang sabi.

"Lalo kang gumanda. Mahihirapan yata kami sa mga manliligaw mo niyan.."

Kuya's sweetness never fade. Kaya alam kong maswerte ang babaeng mahal niya. Sana magkita na sila. I want my Kuya to be happy..

"Long time no see son.." dumating na si Daddy at inagaw si Kuya sa akin.

We continued catching up until midnight. Hindi na kasi naubusan ng kwento si Mommy at Eijjei. I miss them so much. Hindi na talaga ako lalayo sa kanila ng ganon katagal. Now that I'm back, babawi ako sa lahat ng pagtitiis at pangungulila nila sa akin. I promise to be a good daughter and sister to my brothers.

Bago pa ako maka-graduate, pinag-isipan ko na ang pagpasok sa kumpaniya nila Daddy. I want to start familiarizing myself how the company runs after all these years. I plan to start after a quick meet up with my friends. Matagal na akong nawalan ng balita kay Carrie at Louise, pero naging constant naman ang communication namin ni Colette. I'm planning to meet her one of these days. Then proceed on working. Naalala ko pa ang naging usapan namin nila Mommy, na pag balik ko dito ay susundin ko ang magiging kahilingan nila. Kaya ko naman siguro 'yon 'di ba?

Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon