captain [1]

9 0 0
                                    

"Ano?! Tangina naman bro, sa lahat ng babae. Si Phoebe pa?" reklamo ni Bret, best friend ni Damien. Nanlalaki ang mga mata nito at nabagsak pa niya ang hawak niyang kutsara.

Tiningnan naman siya ni Damien ng masama, "Eh ano naman? Makareklamo naman to parang hindi maganda si Phoebe. Eh mukha kayang anghel iyon." pagmamalaki pa nito.

Pagkasabing-pagkasabi niya roon ay sakto namang pasok ni Phoebe sa cafeteria. Kasama nito ang tatlo nitong kaibigan na tila mga assistant dahil nasa likod niya ang mga ito.

Maganda nga si Phoebe Joy Mercado, kaso...

Binatukan naman siya ni Bret, "Eh di ba masama ugali nun?" bulong niya sa kaibigan.

"Hindi mo naman siya kilala eh." pagtatanggol nito sa babae.

Pinitik naman ni Bret ang noo ni Damien, "Eh ikaw?! Kilala mo ba siya? Close kayo? Hindi ka nun sasagutin huy!"

Ngumiti na lang si Damien, "Gwapo naman ako diba? Andami kayang humahabol sa akin."

Napailing na lang si Bret at tinuloy na lang nila ang pag-kain ng kanilang tanghalian.

Tumayo na sila at lumakad papunta sa kanilang room

"Alam mo pre, huwag mo ng ituloy iyang plan--," hindi na nakumpleto ni Bret ang kaniyang sasabihin dahil may nabangga ito.

"C-captain, ah h-hello." kumaway pa ito. Pero ang totoo ay takot na takot ito sa babae.

Si Damien naman ay parang walang pakialam dahil hindi naman ito takot sa babae. Hindi naman kasi siya kasali sa football team.

Si Bret ay kasali doon at si Cara Clementine Zamora ang nagtetrain sa kanila dahil siya ang pinakamagaling na football player sa buong Graceland.

Inasahan ni Damien na maghehello ang babae dahil nga bumati rito ang kaniyang kaibigan.

Pero imbes na bumati ay tinaas nito ang kaniyang middle finger. Yes, pinakyu ni Cara si Bret.

Nung nakalampas na si Cara ay bumuntong hininga si Bret.

"Ang sama talaga ng ugali non. Hindi na nga namamansin sa classroom eh." iling ni Damien.

"Shhhh! Baka may makarinig sayo. Baka parusahan ako nun pag nagtraining na kami." saway naman sa kaniya ni Bret.

"Tangina, bakit ka pa kasi sumali dyan?! Eh mas magaling pa yata ako sayong magfootball eh." sabi niya sa kaibigan. Aba, totoo naman eh.

"Kailangan ko ng extra points. Baka di pa ako grumaduate tangina."

Napatawa na lang siya.

Nakarating na sila sa kanilang classroom.

Magkatabi sila at nasa likod nila si Cara.

Kahit ganyan yan, matalino yan. Top 2 sa klase kahit madalas ay nakikita ni Damien si Cara na nakatingin sa labas at hindi nakikinig sa klase.

"Magaling na sa sports pati ba naman sa acads. Edi wow!! Kung di lang iyan magsusungit, liligawan ko yan eh."

isip ni Damien.

Ano?! Si Phoebe nga gusto ko diba? Tss

How You Get The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon