Pagkapasok na pagkapasok ni Cara sa kanilang classroom ay agad niyang nakita ang grupo ni Phoebe. Tiningnan siya ng mga ito.
She just rolled her eyes. Bitches.
Ugh. Bakit kasi July palang?
Sa August pa kasi sila magsisimulang magtraining for the annual Pampanga Sports Competition. And oh yes, she is the one and only captain of the football team.
Nakaupo si Cara sa pinakalikod. Meron siyang katabi sa row na iyon. Si Kean. Well, let's just say that he is a complete nerd.
They're both loners so... there it is. Sila lang magkasama sa isang row. They're not completely seatmates. Just 'rowmates'.
****
Pagkatapos ng klase niya ay pumunta na lang siya sa rooftop. Wala naman siyang ibang pupuntahan. Mamaya pa dadating ang kuya niya. Siya kasi ang sumusundo rito.
Gusto niya sanang lumabas at bumili ng isang pint ng ice cream kaso lang ay naubos na pera niya kaninang lunch. Matakaw kasi ito.
'Papabili na lang ako kay kuya mamaya.' isip niya.
Cara sighed.
"Ang lalim naman nun." may narinig siyang nagsalita sa likod niya.
Damien Blue Zaragoza.
Gwapo ang binata. But according to his actions, he's definitely a douche.
"Ano namang ginagawa mo dito?" tanong niya rito.
Lumakad ito papunta sa inuupuan niya at umupo sa tabi niya. Lumayo naman si Cara ng kaunti. Distansya.
"I have a proposal for you." And he smiled. Pearly white teeth.
She looked at him, asking.
"You see, you were best friends with Phoebe, right? Balak ko sana siyang ligawan." paliwanag ni Damien.
"Ano namang kinalaman ko diyan? Hindi na kami close."
Tatayo na sana siya at lalabas nang bigla siyang hinila paupo.
"Gago! Masakit yon ah." reklamo niya. Masakit naman talaga sa pwet ang ginawa ni Damien.
Hindi siya pinansin ng lalaki at tinuloy na lang nito ang sinasabi kanina.
"Yon na nga eh. Best friends lang kayo last year kaya I concluded na kilala mo siya. So, kikilalanin ko si Phoebe through you." mahabang sabi nito.
"So, gagamitin mo ako ganun? Kapal mo pre." iling niya.
"Hindi naman sa ganun. Tutulongan mo lang ako para pag niligawan ko siya alam ko na gusto niya, diba? Mas madali." pilit niya kay Cara.
Tumango-tango naman ang dalaga.
"Ano namang kapalit niyan? Malaking favor yan ah." tanong niya. Mahirap na, baka walang kapalit. Hindi pa naman siya basta-bastang tumatanggap ng pabor.
"2-month supply of ice cream. Kahit gaano pa kadami gusto mo." ngumiti pa si Damien.
Ang ganda ng smile niya. Wait... what?!
Naramdaman naman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya. She opened the message. Si Matthew iyon, kuya niya.
Tumakbo si Cara papunta sa pinto ng rooftop at binuksan iyon.
Napatayo naman si Damien at tinawag si Cara. Humarap ang dalaga.
"Deal na ba iyon?" tanong ni Damien.
Napaisip si Cara. Madalas rin kasing nauubos ang allowance niya dahil sa ice cream kaya makatipid siya kung ililibre siya nito parati.
Cara just gave him two thumbs-up and ran through the door.
Damien smiled, "Yes!" sigaw niya.
Malapit na. Tiis-tiis na lang.
BINABASA MO ANG
How You Get The Girl
Acak"...and that's how it works, that's how you get the girl." ©2016