"Gelo, please tama na. Nasasaktan na ako." daing ko kay Gelo habang hila hila niya ang braso ko.
"Shut up!! Napakalandi mo talaga. Diba sinabi ko na sayong huwag na huwag kang makikipagkita sa lalaking yon! T@ng in@ ka!" sabi niya habang binalibag ako sa sahig.
"Mali ka ng iniisip. Wala kaming relasyon ni Sean. Nagkasalubong lang kami kanina. Please maniwala ka naman." sabi ko habang humahagulgol ng iyak.
Sinampal niya ako at muling binalibag sa sahig. Tanging hikbi ko na lang ang naririnig sa apat na sulok ng bahay namin. Simula ng nagpakasal kami ni Gelo ganyan na siya. Napaka cold at laging umuuwi ng gabi. Kapag tinatanong ko siya kung san siya nanggaling sampal lang lagi ang inaabot ko. Kaya kapag umuuwi siya ng gabi hindi na ako nagtatangkang tanungin pa siya bagkus nanahimik na lang ako.
Nakakalungkot isipin na ang pamilya na pinapangarap ko noon ay bigla na lamang naglaho. Ang saya-saya ko pa noon ng malaman ko na sa akin ipapakasal si Gelo kasi simula college gustong gusto ko na talaga siya.
Naalala ko nung ikinasal kami yun yung pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Samantalang siya wala man lang reaksyon na makikita. Ni ngumiti hindi niya magawa kaya ako na lang ang bumabati at nag aasikaso sa mga bisita namin.
"Grace! Grace! Asan ka ba?. Nasaan ang pagkain ko? Puta naman oh! Diba sinabi ko na sayo na sa tuwing darating ako dapat nakahanda na ang pagkain ko! Wala ka talagang kwenta! Bwisit!" sabi niya ng nakasigaw.
Hay, wala na talagang magbabago sa kanya. Araw-araw dinarasal ko lagi sa Diyos na sana magbago na ang asawa ko pero habang tumatagal lalo lamang lumalala.
Huminga muna ako bago humarap sa kanya. "S-sorry Gel, sige ipaghahanda na kita. Nakatulog kasi ako." sabi ko sa kanya habang nakatungo.
"Huwag ka ng mag abala pa. Sa labas na lang ako kakain." sabay tabig niya sa balikat ko na naging sanhi ng pagka upo ko sa sahig.
"G-gel, sandali. Bakit ka ba ganyan sa akin? Nasasaktan na ako sobra. Please sana naman kahit isang araw lang maging mabuti ka naman sa akin. Hirap na hirap na ako." sabi ko habang nagsisituluan ang luha ko sa aking mga mata.
"Tinatanong mo kung bakit?, simple lang Grace kasi ng dahil sa pagpapakasal ko sayo nawala sa akin ang babaeng mahal ko. Kahit anong pilit ko na mahalin ka hindi ko magawa kasi mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Pasensya ka na Grace pero kahit anong gawin mo hindi kita kayang mahalin. Kalokohan lang tong pagpapakasal natin. Sa papel lang tayo mag asawa." sabi niya habang paalis ng bahay.
Kaya pala ganun na lang ang pananakit niya sa akin. Binubuhos niya lahat ng galit niya sa akin kaya kahit masaktan niya ako hindi man lang niya magawang maawa sa akin.
Ang tanga tanga ko! Bakit hindi ko naisip iyon na may mahal siyang iba? Pero hindi ko naman kasalanan kasi pumayag siya sa kasunduan ng mga magulang namin.
Napangiti ako ng mapait. Wala na. Wala ng pag-asa na mahalin ako ni Gelo. Kahit ano pang gawin kong effort wala ring mangyayari.
Nagdecide akong lumabas ng bahay para magpahangin. Napagpasyahan kong pumunta sa park malapit sa bahay namin. Umupo ako sa swing at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Ang lalim naman nun. Tsk. Kamusta ka Grace?" sabay tapik sa akin ni Sean.
"O-okay lang naman. Ikaw kamusta ka?" sabay ngiti sa kanya.
"Ayos lang ako. Sinaktan ka na naman ba niya?. Ano yang pasa sa pisngi mo? Diba sinabihan na kita na kapag sinaktan ka pa niya umalis ka na." sabi niya sabay haplos sa aking pisngi na may pasa.