Ang hirap kapag masyado kang assuming. Kasi yung tipong ang sweet at ang bait niya akala mo may gusto na agad sayo. Mahirap din naman umasa kasi masasaktan ka lang diba.
Pafall din kasi ang mga boys. Alam ng may girlfriend makikipag landian pa sa iba. Kaya kami namang mga babae napakitaan lang ng kabaitan at kasweetan hayun! bumibigay agad. Ang hirap talaga pag assuming!!
"Uyy! Thea. Kanina ka pa gigil na gigil dyan sa ballpen mo ahh. Anyare ba?" tanong ng kasamahan ko sa office.
"Yung Gago kasing si Joseph eh, may GF na pala pero kung makipag landian sa akin wagas!" sagot ko naman.
"Eeh yun naman pala. Nagpadala ka rin kasi sa landi te! Ayan ang napapala mo tuloy. Tsk. tsk."
"Gaga, sinakyan ko lang namang ang trip nya eh. Kaso heto nainlove ako. Puta ang sakit!"
"Sinabihan na kasi kita noon frend na wag ka padadala dyan kay joseph eh. Tingnan mo tuloy ikaw ang nasasaktan ngayon."
"Lecheng buhay talaga!!Ang masakit pa, kasamahan din natin yung GF nya. Kingina talaga nya!"
"Hay nako frend, itigil niyo na kasi yang pag papabebe niyo. Jusko! Hindi naman kayo si Alden at si Maine eh."
"Loka ka, wala ka talagang magandang naitutulong sakin. Kaibigan ba talaga kita."
"Hahaha, heller! para saan pa't andito ako para damayan ka dyan sa kadramahan mo."
"Gaga! Oh sya mag trabaho na nga tayo makita pa tayo ni Steffi dito baka mag sumbong pa kay Matteo. Hahaha."
"Loka ka talaga, Thea."
*****
Haist.
Ang hirap talaga mainlove.
Kahit ilang buwan ko pa lang nakikilala si Joseph ang bilis kong nafall sa kanya.Nagsimula sa biruan hanggang sa nagtuloy tuloy na. Halos araw-araw kami magka ym tapos may endearment pa kami sa isa't isa. Tapos malalaman ko may GF pala siya.
Kailangan ko siya iwasan kahit ang hirap. Tangina kasing lalaki eh napaka landi. Kaso ako rin ang may problema, bakit nagpapadala ako sa kalandian niya dba.
Hindi rin kasi niya maiwan yung babae. Alam ko iyon nararamdaman ko kaya ang sakit lang.
Sana nga makahanap ako ng lalaking ako lang ang mamahalin. Yung magiging icing sa ibabaw ng cupcake ko. Hahaha (Mr. Right?)
Kidding aside. Basta yung sa unang kita ko pa lang titibok na agad ang puso ko. Alam kong imposible pero i'm still hoping and praying.
Oh, sya bibitinin ko muna kayo.
Sisihin niyo si Author kung gusto niyo pa ng dugtong sa maikli kong kadramahan. HahahaNagmamahal,
Thea Carlos---Oha! Oha!
I will continue this one pag marami po ang naka appreciate.--AiomaineDaiki