tw // trigger : self-harm, mention of blood
Hinayaan ko na lamang muna si Yura na maglakad paalis. So what na lumayo ako?
Hindi naman sa inlove ako or something pero alam kong laro laro lang ang ginagawa niya sa‘kin.
I grew up understanding every situations kaya alam na alam ko ang galawan niya. Pustahan pa kami ni Yura. Limang libo pa ipusta ko.
Naglakad ako paalis sa pwesto ko kanina at naghintay ng masasakyan sa waiting area.
"It's not good for a woman to go home alone." Sabi ng boses sa likod ko.
"Ikaw na naman? Kailan ka ba titigil?" I said as I looked at him in disgust. Wala, nandidiri lang ako sa mukha niya, nakakainis.
"Halika, hahatid na kita." Pagyaya niya.
"Ayoko, baka kidnapin mo pa ako."
"Kapal ng mukha, feeling maganda." He said while putting his arm on the top of my head. Inis kong inalis iyon at naglakad palayo sa pwesto niya at pumara ng masasakyan.
Hindi naman nagtagal at may dumating din at agad akong sumakay para makauwi na din.
"Go home, panget.” Sigaw ni Hunter.
Inirapan ko siya bago sumandal sa upuan ng sasakyan. When we were getting closer sa bahay na uuwian ko, I prepared the money to pay the driver.
As I got home, iniabot ko na kay Kuya pero umiling lang siya kaya nagtaka ako.
"Huwag na ho, may bayad na kayo." Sagot niya kaya hindi ko mapigilang magtanong kasi hindi ko pa naman naiaabot ang pambayad ko.
"Po? Wala pa po akong bayad kuya, hindi ko pa po iniaabot."
"Huwag na po, nabayadan na nung lalaki kanina." Huh? Sinong lalaki?
"Yung nagsabi ho sa inyo ng 'Go home, panget' nag-abot ng limang daan kanina, hindi na pinasuklian. Salamat sa inyo!" Sabi niya sabay paandar ng sasakyan niya bago umalis.
I sighed. Lakas ng amats oh, feeling close na bigla bigla nalang magbabayad eh hindi naman siya ang pasahero. Pero okay lang, nakatipid.
Wala pa ako sa loob ay nakarinig na agad ako ng ingay. Nag-aaway na naman siguro sina Mommy at Papa.
Palagi naman, walang araw na hindi sila mag-aaway kapag magkasama sila. Binuksan ko na yung gate at dahan dahang pumasok sa loob.
Palakas nang palakas ang boses na naririnig ko kaya napapikit ako. Hindi maganda pakinggan ang banggitan ng mga salita nila, pero wala na akong magagawa doon.
"Hanggang kailan ka magiging ganiyan, Celes? Paalis alis ka, iniiwan mo na sariling anak mo!" Sigaw ni Papa na narinig ko.
"Ano ba, Roel? Sinabing nag-t-trabaho ako diba? Paulit ulit ko nang sinabi ‘yan! Hindi ko na kailangan ulit ulitin pa ‘yan." Paglaban ni Mommy, nanahimik din naman sa loob kaya pumasok na ako sa bahay habang nagkukunwaring walang narinig.
Pagod akong tumingin sa kanilang dalawa, ngumiti sila sa akin, nagpapanggap, palagi naman.
"Nakauwi ka na pala anak, kamusta?" Tanong ni Papa.
"Okay lang, Pa. Papasok na ako sa kwarto ko, pagod lang ako." Pagod kong sabi sabay lakad paalis papunta sa kwarto ko.
Narinig kong tinawag pa nila ako pero hindi ko na sila pinansin at nagtuloy tuloy sa kwarto ko.
I immediately closed the door, napaupo ako habang nakasandal sa pinto. Malapit nang maiyak. I saw my blade near at the table kaya walang sabi sabi kong kinuha iyon.
I cut my skin on my wrist and watched as the blood flowed onto my floor. Sanay na ako, wala akong nararamdaman kahit ano.
I am always like this. Harming myself kasi napapagod na ako mabuhay.
I cut it again and again until I got tired and stopped. I just watched the blood flow on my floor while silently crying. Hindi mahapdi ang balat ko, I can't feel anything. I feel numb.
—
I didn't realize I fell asleep on the floor. Tumayo na ako para maglinis ng katawan. Kaso hindi ko maramdaman ang kamay ko dahil sa sugat. Nakita ko ang mga tuyong dugo doon kaya nagpunta ako sa banyo para hugasan ito.
Nang matapos ako ay agad kong nilinisan ang sarili bago humiga sa kama. Nagugutom na ako pero ayokong bumaba. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinext si Yura sa IG.
rei173: yura.
yurapula: ano?
rei173: sorry.
yurapula: san? wala namang nangyari ah.
rei173: kanina, i know it's a dumb move pero i have reasons diba.
yurapula: uy uy nu yan, hindi ka si rei, hindi basta basta nags-sorry yon.
rei173: bwiset ka.
yurapula: pero seryoso, nangyari sayo?
rei173: red lines ulit bahahahaha
yurapula: tanginamo, saglit pupunta ako diyan.
After that she suddenly went offline. She understood what I meant. But I wish I didn't mention it because I don't want her to worry about it.
Kahit nakatulala ay naiiyak na naman ako. Why am I weak when it comes to this? Kinuha ko ang unan malapit sa akin at tinakip iyon sa mukha ko para pigilan ang ingay na lalabas sa bibig ko habang umiiyak.
Fuck my life. I don't wanna live anymore.
Bumalik lang ako sa sarili ko ng may kumatok sa pinto ko. Tumayo ako para pagbuksan iyon at nakitang nakatayo sa Yura habang may dalang plastic bag na laman ay puro pagkain.
Gumilid ako ng tayo at pinadaan siya. Tumitig siya sa mata ko, nakitang mugto ito kaya napa-buntong hininga at nilapag sa sahig ang dala niya bago ako yakapin.
When she hugged me, I couldn't stop crying.
"Shh, anong nangyari? Rei, ano? Sabihin mo sa‘kin. Makikinig ako." Pag-alo niya.
Umiling ako nang umiling sa kaniya kasi hindi ko kayang magsalita.
"Tama na, tahan na. Nandito na ako. Hindi na kita tatanungin, tumahan ka lang."
I cried for about an hour until I stopped. Tinulungan ako ni Yura na umupo at tumahan.
Hindi siya nagsalita habang inaayos ang dala niya. She wanted to give me silence first bago sabihin sa kaniya what happened to me.
"Oh eto, kumain ka muna. Naririnig ko tiyan mo kaya panigurado gutom ka na." Sabay bigay ng pagkain sa akin.
Kinain ko ‘yon at nakitang sumubo din siya ng pagkain niya. Mamaya nalang siguro ako mag-k-kwento.
I will thank her later for this night.
————————
For the no worrying ah, based on true story itong chapter na ito. Guess who, chariz it's me. 😝😝