“We began a million years ago in a small group on a grassy plain; we hunted animals, had children, and developed a rich social, sexual, and intellectual life, but we had little knowledge of our surroundings.” Panimula niya. They all know that I'm good at debating but I really don't like doing it.
Isn't it obvious that I'm not interested? He's getting into my nerves, and I hate it.
“How can you say so Mister? We live in a society exquisitely dependent on science and technology, in which hardly anyone knows anything about science and technology.” I coldly said. I just wanted this debate to stop.
“It's true. The truth may be puzzling, but we're born without realizing anything. As we grow, we keep forgetting everything. We really knew nothing about our world.” Ngising sambit niya at tila naganahan lalo sa debate.
“Trees, Houses, Countries, Cities. And everything we do, I know we all knew this. We know our surroundings Mister. And you, make no sense.” After that, naupo na ako, signaling that I don't want to debate anymore.
“Hmm, I see that two of you makes sense. Both of you may now seat.”
Piniga ang utak ko sa debate na ‘yon. At tsaka bakit ba nandito ‘yan? Eh ang hilig niyang um-absent na parang kaniya mismo ang school.
“Don’t stare at me like that.” He said, inirapan ko nalang siya tutal deserve niya na ‘yon.
Ngumisi naman siya sa ’kin bago umupo. Lord, bigyan niyo naman ako ng chance na tanggalin ‘yang ngisi niya oh.
Syempre dahil napakabait kong estudyante, hindi ko namalayan na tapos na ang klase kasi hindi ako nakikinig. Bravo, Rei.
Pero no talk, matalino ako. Sa isip ko.
Inayos ko na ang gamit ko at nauna nang lumalabas kesa sa mga kaklase ko.
Kalalabas ko lang ng makarinig ako ng ingay sa kabilang tainga ko. Napa-aray naman ako.
“Tangina Yura! Ang sakit sa tainga.” Reklamo ko sa kaniya. Siya si Yura, kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko siya naging kaibigan dahil sa kabaliwan niya.
“Hoy grabe ka na ha! Tulala ka kasi, hindi tumitingin sa daan.” Panenermon niya sa akin na akala mo’y anak niya ako na gumawa ng kasalanan.
Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya at naglakad na lang. Naramdaman ko din naman siyang sumabay sa ’kin kaya problema niyo na ‘yan.
Syempre dumeretso kami sa tapat na Coffee Shop sa labas ng school namin para magpahinga muna bago umuwi. Iyon lagi ang routine namin pagkatapos ng klase.
“Hoy Rei! Pansin ko pumasok si Hunter ah!”
“Oo, bakit crush mo?” Walang gana kong sagot.
“Grabe ayoko doon. Pero kilala mo ba si Hayden? Yung pinsan niya? Yun ang bet ko.” Kinikilig niyang sabi sa’kin kaya binatukan ko.
“Tanga, kung pinsan niya bad boy, baka siya bad boy din!” Pang-b-badtrip ko. Hindi ko naman gusto ‘tong gawin pero bad trip talaga ako today kaya idadamay ko siya.
“Maka-badboy ka ah! Hoy good boy ‘yon! Opposite talaga ni Hunter. Do you know that he's the standards? Maraming babae nagkakagusto sa kaniya dahil mabait siya.” Sambit niya habang nakatingin sa taas na animo’y may i-ni-imagine siya, kadiri.
“Edi wow. Tsaka grabe ka, nung isang araw si Lance lang gusto mo, ngayon iba na!” Pagsesermon ko sa kaniya.
“Hoy, sayang ganda ko kung magsettle lang ako sa isa.” Sabay irap niya sa akin.
“Tanga mo, redflag ka na. Walang magkakagusto sa iyo.” sabay higop ng binili kong frappe kanina.
“Hoy grabe ka. Porket maganda ka, alam mo nang may nagkakagusto sa'yo, sasabihin mo na sa akin ‘yan!” Habang nakaturo ang kaniyang daliri sa akin. Tinapat ko naman ang daliri ko doon pero mabilis niyang tinanggal.
Tiningnan ko siya at doon niya ako nairapan. Natawa naman ako sa inasal niya. Such a baby.
“I heard my name.” A cold voice said. Hindi ko siya tiningnan dahil alam ko kung sino iyon.
“Asyumero.” I quickly said that make him chuckle. I'm not lying but my heart flutters on it. Pucha huwag ganito Rei.
Naramdaman kong tumabi siya sa akin kaya umusog ako sa dulo.
“Hindi kita in-invite dito para umupo, kaya kung ako sa’yo umalis ka na.” Walang gana kong sabi habang nakatingin sa kaniya.
“Taray.” Sabay kindat sa’kin. Landi nito putangina lang. Umirap ulit ako at hinayaan na lang siya do’n.
What I mean na hinayaan ay yung hindi talaga pinansin habang nasa loob ng shop. Nag-k-kwentuhan lang kami ni Yura kaya hindi ko siya pinapansin.
Nararamdaman ko din namang nilalaro niya yung buhok ko pero pinapabayaan ko na lamang siya para may magawa siya. Kahit naiinis ako, masarap naman sa pakiramdam yung ginagawa niya sa buhok ko.
“Your hair is smooth.” Sabi niya habang patuloy sa paglalaro ng buhok ko.
"Hindi ko tinatanong." Hindi ako tumingin sa kaniya. Ang sama na nang ugali ko grabe.
"Why are you even mad at me?" He asked while smirking. Putcha naman oh.
"First of all, ang pangit mo." Kahit na sa totoo ay nagbibiro ako, tumawa naman siya sa turan ko.
"Second of all, we're rivals."
"No, we're not rivals." He coldly said while staring directly at me.
“We are, Hunter. Always remember that.”
"Palagi mong tatandaan na rivals tayo. Sa tingin ng lahat, sa tingin ng kaklase natin. Magkalaban tayo, at hindi na mababago ‘yon." At pagkatapos noon ay niyaya ko na si Yura na umalis at umuwi na.
Nawalan ako ng gana.
“Oh bakit ganon ka doon?” Tanong ni Yura at nag-aalalang tumingin kay Hunter. Bakit nag-aalala ‘to?
"Hayaan mo. I'm just stating the fact. Wala akong ibang intensyon kundi ang lumayo lamang sa kaniya." Patuloy akong naglalakad habang sinasabi yon. Alam kong maiintindihan niya ako ngunit hindi pa din ako makakatakas sa mga tanong niya.
"Huh? Para saan, Rei? Para saan ka lumalayo? Ang talino mo pero pagdating sa ganito, ang tanga tanga mo." Sabi niya habang binibilisang lumakad para makasabay ako.
"Alam mo, ewan ko sa‘yo. Wala naman akong natatandaan na may ginawa sa‘yo yong tao eh. Bahala ka na diyan." And she walked passed me.