o1: Chocolate

477 27 4
                                    

CHEN's

Nag-aaway na naman sila. Lagi na lang.

"SUHO!!! TAMA NA ANO BA!!" sigaw ni Lay. Halos araw-araw na lang. Nakakapagod din. Lumabas ako ng kwarto.

"LAGI NA LANG MAY AWAY! HINDI NA BA MATATAPOS TO?!! HUH??!! ARAW-ARAW NA LANG LAGI!! NAG-SASAWA NA AKO!!" huminga ako ng malalim bago tumingin kay Suho. "Ikaw Suho, Leader ka pa man din pero minsan ikaw nagsisimula! Ikaw Chanyeol! Kelangan ba laging aawayin si Suho?! Kayo naman! Bakit ayaw nyong sawayin?! Nanonood lang kayo!!! Mga isip bata!! Hindi ako magtataka kung isang araw may malalagas na naman sa pamilyang to!" Iniwan ko silang tahimik at di makaimik. Minsan lang ako nag-sasaway.

Nasa park ako ngayon. Tumutulo na ang luha ko.

"Kuya bakit po kayo naiyak?" Nagulat ako sa batang babeng nagsalita. Napangiti ako sa kanya.

"Kasi malungkot ako" umupo siya sa tabi ko.

"Kuya oh" sabay abot ng isang chocolate. Kinuha ko ito.

"Sabi po sakin ng ate ko na kapag malungkot ka kumain ka ng chocolate kasi iba daw po ang saya na dulot nito" tinignan ko sya.

"Salamat" umalis na sya. Umuwi na rin ako. Habang nasa daan tinititigan ko yung chocolate .

....ibang saya ang dulot nito.

..ibang saya ang dulot nito.

..ibang saya ang dulot nito.

Binuksan ko ito at kinain. Napangiti ako... Totoo nga. Padating ko sa bahay... Tahimik. Nakita ko naman si Lay na nakatulala sa kawalan. Nagtaka ako bakit kaya? Si Baekhyun naman nakatitig lang sa pagkain. Ang Kaisoo naman ganun din. Si Suho naman nakatulala lang din. Si Chanyeol umiiyak? Nagtaka na ako.

"Lay bakit ganyan kayo? Ang tahimik nyo" tinignan nya ako tapos balik ulit sa tinititigan nya...

Picture namin yung kumpleto. Nung andun pa sina Kris at Luhan.

Itutuloy...

Christmas Day (XiuChen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon