~Circumstance~

30 0 0
                                    

........................................

Magulo ang buong paligid ngayon. Di mag kaundagaga ang mga tao sa paligid. Mag tatanghali na. Maya-maya lang ay mag sisimula na ang parada. Fiesta ngayon sa aming maliit na baryo.

Magka hawak kamay kaming nag lilibot sa buong pailigid. Bakas sa kanyang napaka among mukha ang labis na pag mamahal at pag ka kuntento. Hindi niya binibitawan ang kamay ko.

Ako naman, ngiting-ngiti sa mga nakikita ko.

"Aina.."

"Hmm?" Sabay ikot paharap sa kanya ng naka ngiti.

Nagulat ako sa ginawa niya dahil pag kalingon ko sa kanya ay bigla siyang my sinuksok sa tenga ko.. bulaklak pala.

Ngumiti lang ako ng ubod ng tamis sa kanya.

"Nagustuhan mo ba?

Tango-tango lang ang sinagot ko at hinalikan ko na siya sa pisngi niya.

"Ganyan.. dapat lagi ka lang nakangiti aina.." at pag kasabi niya nun ay nginiti narin sya.

Mas lalo akong napangiti sa hitsura niya. Pag ganyan sya nawawala ang mata niya. Kahit naka Saladin siya ay bakas parin sa mukha niya ang gwapo niyang hitsura.

Lapitin siya ng mga babae pero di ko alam kung bakit ako ang napili niya.

Mabait siya. Ma alaga, malambing, lahat na yata ng gustong ugali ng babae sa nobyo nila ay nasa kanya na. Kaya di maikakailang napamahal na din ako sa kanya.

"Jaed.. my sayawan doon. Halika punta tayo..?"

Sabay hatak ko sa mga kamay niya papunta sa kumpol ng mga tao sa my maliit na korte.

Nakisiksik na kami sa mga sumasayaw.

Pero ang kinagulat ko ay ang pag hatak niya sa akin papunta sa dulo. Saka siya umakyat sa maliit na intablado doon. My mga musikerong naka pwesto doon. Akala ko tutugtug siya dahil marunong naman siyang gumamit ng iba-ibang instrumento. Pero mali ako.

Huminto kami sa gitna ng intablado at saka niya hinawakan ang bewang ko ng kanyang kanang kamay habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa isa kong kamay. Ang kanang kamay ko ay pinatong niya sa kanyang balikat.

Unti unti ay sumayaw na kami sa saliw ng musika. Napansin ng mga musikero ang pag akyat namin kaya iniba nila ang tugtugin.

Buong puso akong ngumuti sa kanya ng matamis habang siya naman ay nakangiting nakatitig lang sa akin. Di niya inaalis ang mga mata niya sa akin.

Hapon na kaya di masyadong ramdam ang init ng araw pero ang init ng pagmamahal ni jaed sa akin ay ramdam na ramdam ko. Nakakalusaw. Matamis.

Inikot niya ako gamit ang isa niyang kamay para makatalikod ako sa kanya.

At dun niyaq niyakap habang Sumasayaw ng mabagal.

"Mahal na mahal kita aina.." bulong niya sa tenga ko. At hinalikan nya ang ulo ko.

"Mahal na mahl din kita jaed"

"Masaya ka ba? Tanong niya.

"Oo, sobra, wala na akong mahihiling pa."

Ganyan si jaed sa akin. Lagi niyang sinasabi at pinaparamdam sa akin na mahal niya ako. Minu-minuto at oras-oras.

............................................

Krrriinnggg! Krrrinnnnngg!!

Dinampot ko ag celphone saka sinagot.

"Hello!?"

"Asan kana? Naka rating kana ba sa location mo?

"Vinx, ikaw pala. Hindi pa. Malapit na ako dun" kinusot ko ang mga mata ko.

Grabe. Nakatulog pala ako. Buti na lang kotse ang dala ko.

"Saan ka ba ngayon? Ng stop over ka na naman?"

"Oo, napagod ako sa byahe eh. Di ko napansi. Nakatulog pala ako."

"Grabe ka bilisan mo. Kanina pa my tumatawag dito ng hahanap saan ka na daw!" Sabay bagsak ng telepono.

Wala na. Yun lang sadya niya. Ang bagsakan ako ng telepono. Tsk. Tsk.

Himalayan ko yung ulo ko sabay yuko sa manebela. Yun na naman. Ang panaginip na yun. Nagtataka ako kung bakit lagi yung ganun? Elementary pa lang ako mula nung unang napanaginipan ko 'yun. Parang totoo.

Pakiramdam ko nangyari talaga iyon. Pero sino sila? Sino yung lalaki? At sino ang babae?

Sumasakit na naman ang ulo ko kaka-isip.

Pa ulit-ulit na lang kasi ganun ang panaginip ko. Minsan ivang iksena pero sila pa rin.

**************

N/A muli. Maraming salamat sa pag subaybay. Pa vote nalang po at comment narin. Salamat. Please follow @wildflaura. Tnx.

Zion ElixirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon