Becks

48 3 2
                                    

Nagsimula ang lahat nung kami ay Senior Kinder pa lamang...

Yah. Senior Kinder. Senior kinder kami ng una kaming nagkakilala.

Senior kinder nung una kong nakilala si Cess. Si Princess Ibarra.
Naging magkaklase kase kami nun sa isang pribadong eskwelahan malapit samin.

First day of school nun.

"My name is....."

Rerecite na sana ako ng aking pangalan ng biglang.....

"Mama !! Mama !! Don't leave me please !!!" Iyak ng isang batang babae na nag wo walling sa pintuan ng aming silid.

Di siya sanay na iwan ng kanyang ina at takot din siyang maiwan.

"Aba bastos to ah." Sabi ko sa sarili ko.

Padabog akong naglakad papunta sakanya at sinabing..

"Oy ang ingay mo ah ! Sasabihin ko kaya pangalan ko ! "

Napatahimik siya saglit.

"Waahhhhhh!!! Mama!! Mama ko!!."

Tuloy tuloy lang siya sa pag iyak at tila walang pake sa paligid niya.

Pilit siyang pinapatahan ng aming mga guro at inaanyayahan siyang makisala sa mga activities ngunit patuloy lang siya sa pag-iyak.

Di ko alam kung maaawa ako sakanya o maiinis dahil sa nakakaistorbo siya.

Pagod na siya sa kakaiyak pero pilit pa rin siyang umiiyak at sumisigaw,nagbabakasaling marinig siya ng kanyang ina at balikan.

Ngunit hinatid lang talaga siya ng kanyang ina at umalis agad dahil may trabaho pa ito.

Ilang oras pa ang lumipas ay tumahan siya. Siguro nga ay talagang pagod na siya sa kakaiyak at walang nang luha ang kayang lumabas mula sa mga mata nyang noo'y namamaga.

Pinaupo siya sa gilid at nanuod na lamang samin habang nag aactivities.

Pasimple ko siyang tinitignan nun. Nakikita kong onti onti na syang ngumingiti at naaliw sa pinapanood nya.

Pero bakit ganun? Parang naiinis padin ako sakanya. Dahil siguro sa pang iistorbo niya sakin habang nagrerecite ako. Tagal ko kayang pinaghandaan ang pagrerecite ko ng aking personal information. Parang ayoko muna siyang ngumiti.

Tumingin ako sakanya at sinitsitan ko sya.

"Pssst !!"

Napalingon siya sakin.

"Ahahahaha iyakin !! "

Alam kong naiinis siya nun pero inirapan niya ako at binaling ang kanyang pansin sa guro ko na noo'y nageexplain kung pano ang gagawin sa susunod na activity na gagawin namin.

Nakita kong lumapit sakanya ang aming guro at tinanong kung gusto niya na bang sumali sa amin.

Tumango si cess. At kinuha ang kanyang gamit pandrawing.

"Oy iyakin. Panget ng gawa mo ah.. Ayos yan. Pagpatuloy mo."
Pang aasar kong sabi sakanya.

Di niya ako pinansin nun, at dahil dun mas gusto ko syang kulitin hanggang maasar.

"Ok class. Submit your works and clean the room. "

"Goodbye class ! :) "

"Goodbye Teacher Sonia :) " sabay kanta ko ng :

"Uwian na! Hindi na masaya,may iyakin kase.. Pangalan niya ay cess."
(Kung alam nyo ung tono :) )

Nakita ko siyang lumabas sa silid at tumakbo sa kanyang ina na nakaupo sa labas at hinihintay ang kanyang paglabas. Niyakap niya ito ng mahigpit at tila naluluha. Kala mo ilang taon di nagkita eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girl (Best) FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon