Chapter 11

15 0 0
                                    

HINDI niya maiwasang maging malungkot nang masumpungan si Zerachiel na masayang nakikipaglaro ng habulan sa mga anak ng kaniyang pinsan. Bakas ang labis na kaligayahan sa kaniyang mukha lalo pa't mahilig sya sa mga bata.

Kung alam mo lang Zerachiel.

" Alam mo ba na ilang taon din naming hindi nakita na ganiyan kasaya at kasigla si Zerachiel. Hindi ko maiwasang magtampo sa'yo noon dahil iniwan mo sya nang walang katiyakang babalik ka pa," Nabaling ang tingin niya sa kaniyang Tita Erina nang biglang magsalita ito. Kasalukuyan silang nakatayo malapit sa hardin ng kanilang mansyon. Abala at nagkakasiyahan ang lahat sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaniyang Tito Zadkiel.

" Ngunit sino ba naman ako para husgahan ka, kung simula pa lang pagkabata ay saksi na ako sa paglaki at pagmamahalan niyong dalawa. Mabuti kang tao hija, pero ang pagiging lihim at misteryoso ng pagkatao mo ang labis na ikinababahala ko." Hindi niya naman masisisi ang kaniyang Tita Erina, sapagkat kahit hindi nito anak si Zerachiel ay itinuring na nito ang lalaki na parang isang tunay na anak.

" Sino ka ba talaga hija?" Akmang sasagutin niya ito nang biglang dumating si Tito Zadkiel na may hawak na kopita ng alak. Nakahinga sya nang maluwag dahil dito. Muntik na sya dun.

" Love, pwede mo ba akong samahan muna sa loob? May kukunin lang ako." Ngiting paanyaya ni Tito Zadkiel kay Tita Erina.

" Hija hihiramin ko muna ang Tita mo," Tumango lang sya dito.

" Sa susunod po Tita Erina, wala na po akong pag-aalinlangang sagutin ang katanungan niyo," Wika niya dito.

" Asahan ko yan hija," Sagot nito bago nagpatangay sa asawa.

" Ano ba iyon tinatanong mo sa bata?" Rinig niyang tanong dito ni Tito Zadkiel.

" Girls talk,"

" What did Mommy Erina asked you?" Napahawak sya sa kaliwang dibdib sa pagkabigla nang biglang sumulpot si Zerachiel sa kaniyang tabi.

" Girls talk," Maiksing sagot niya.

" Really? You look troubled about it," Usisa pa nito. Sinamaan niya ito ng tingin. Makuha ka sa tingin Zerachiel.

" You know what let's just eat," Biglang pag-iiba nito ng usapan.

" WE'RE HERE,"

Napaayos sya nang upo sa anunsyo ni Zerachiel at napatingin sa labas ng bintana ng kotse. Napahawak sya sa noo nang biglang makaramdam ng pagkahilo.

Nakarating na nga sila sa tapat ng apartment niya.

Lumabas ito ng sasakyan at pinagbuksan sya ng pinto.

" Do you want me to carry you?" Ngiting tanong nito.

" No thanks, I can handle myself," Hindi naman sya lasing dahil kunti lang ang alak na nainom niya. Malakas din ang alcohol tolerance niya. Madalang din sya kung uminom dahil umiinom lamang sya kapag kasama si Zerachiel.

Nang lumabas sya ng sasakyan ay todo alalay ito sa kaniya na parang anumang oras ay mabubuwal sya.

" Careful," Napahawak sya sa braso nito nang umikot ang paningin niya. Mukhang mahina yata ngayon ang alcohol tolerance ko.

Napatingala sya sa lalaki at napatitig sa mukha nito. Hindi niya mawari kung bakit naiiyak sya bigla.

" Zerachiel. . ."

Mabilis nitong kinuha ang bottled water sa loob ng kaniyang sasakyan.

" Here, drink this,"

Kinuha niya ito at inubos ang laman.

Ever After Always (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon