"Salamat po" Nakipag kamayan ako sa manager bago lumabas suot ang matamis na ngiti ko.
"Ang gwapo naman ng manager" Inikutan ko nalang sya ng mata at nag simulang mag lakad.
"Hindi ko alam kung paano ako mag thankyou sa'yo bes, maraming salamat talaga" Niyakap ko sya ng mahigpit paraan ng aking pagpapasalamat.
"Wala yun no! para saan pa ang pagkakaibigan natin" sabay kaming nag tawanan. Napag pasyahan namin pumunta muna sa isang cafe malapit dito.
"So sino ba kasi tong friend mo para naman personal akong magpapasalamat sa kanya" tanong ko sa kanya.
"No need, baka mahulog ka kapag nakita mo sya personal" Aniya sabay kindat, na curious tuloy ako kung sino 'to, but still thankful parin ako kung sino mang tao to for offering this job, tinanggap kasi ako agad, interview lang at fill-up tanggap agad.
"Babe!"
Nagawi ang atensyon ko sa lalakeng naka kaway sa'min, kumaway palik si arielle na naka ngiti. Namangha tuloy ako sa taglay na kagwapuhan ng jowa ni arielle, maganda naman rin kasi si arielle.
Nang makalapit ito ay di na talaga sila na hiya at sa harap ko pa sila nag halikan.
Nang tumigil na sila sa pag lalapungan ay umupo sila sa harap ko, di mawala sa mukha nila ang ngiti nila.
"Babe, this is sabrina, sab, meet my boyfriend alexon" pakilala ni arielle sa boyfriend nya, ngumiti lang ako kay alexon, ngumiti naman ito pabalik sa'kin.
Medyo na 'Out of Place' ako sa kasweetan nilang dalawa. Tahimik lang ako habang umiinom ng milk tea.
"Sus, kunwari kapa dyan, ikaw nga tong patay na patay sa'kin" ani arielle sinabayan nya nag pag palo sa braso nito.
"Okay, inaamin ko na. I love you"
Si arielle naman ay kilig na kilig, siguro nalimutan nilang nandito pa ako. Ilang minuto ang lumipas bago namin mapag desesyonang umuwi na, hapon narin at maaga pa ako bukas para sa trabaho ko.
Every Saturday and Sunday ay umaga akong nasa restaurant na pinagtatrabaho-an ko, kapag monday to friday naman ay sa gabi ako 5 hours.
Friday ngayon at bukas na ako mag sisismula sa pag trabaho, agad agad. matapos kong ayusin ang sarili ko ay natulog na ako.
Maaga akong nagising kinaumagahan. Tapos na akong mag luto at mag ayos. kumain na muna ako bago tuloyang umalis.
Pagka pasok ko sa restaurant ay dumeretso na ako sa room kung saan mag bibihis muna ako. May naka salubong akong iilang mga workers sa restaurant na naka uniform ang suot.
"Hi! bago kalang dito?" tumingin ako sa nag salita at ng makita sya ay ngumiti ako. mga nasa 20's sya base sa looks and appearance nya.
"Oo eh," tanging sagot ko.
"By the way, i'm amanda, nice to meet you" pakilala nya sa kanyang sarili sabay abot ng kanyang kamay para makipag kamayan. Tinanggap ko naman ito at ngumiti uli sa kanya.
"Sabrina" pakilala ko.
Masaya kaming nag uusap ng biglang may sumulpot na lalake.
"Ate, ang tagal mo, mag sisimula na!" sigaw neto sa ate nya, sinamaan lang sya ng tingin nito.
"Mauna kana, susunod ako" sabi ni amanda at muling ngumiti sakin.
"Ate, pakilala mo naman ako" Mahinang bulong ng lalake kay amanda, natawa naman si amanda.
"Ah oo nga pala, si marvin kapatid ko, marvin si sabrina" ngumiti ako kay marvin, ganon din sya.
"Nice to meet you" anya at inabot ang kanyang kanang kamay sakin. Tinanggap ko ito at nakipag kamayan, bago kupa bawiin ang kamay ko ay nagulat ako ng bigla nya itong hinalikan. Agad na binatukan ni amanda ang kapatid nya.
BINABASA MO ANG
The Brave Enough
RomanceWill You Be Brave for the challenges that will come into your life?