17: Unexplained Dreams

13 2 1
                                    

(Cel's POV)

"Nakakapagod." Saad ko nang magpahinga ako galing sa pagtakbo.

Saktong pag upo ko ay may dumaan na truck.

"Miss. Okay ka lang ba? Naliligaw ka ba?" Tanong ng isang lalaki.

"Kuya, saan po pupunta ang truck niyo? Pwede mo bang makisabay?" Napatayo ako.

"Sige miss. Walang problema. Dito ka." Itinuro niya ang passenger's seat sa gilid niya. Agad ako nagtungo dun para umupo.

Medyo kinabahan ako nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. Iba ang titig niya sa akin. Lord! Wag niyo po ako hayaang mapahamak.

"Miss, saan ka ba pupunta?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya.

I saw the lust in his eyes. I'm in danger.

"Ah kuya diyan na lang po." Turo ko sa isang coffee shop.

"Sinong kikitain mo diyan? Gusto mo sunduin kita mamaya?" Ang dami niyang tanong.

"Ah wag na po. Kaya ko na po." Pilit ko binuksan ang pintuan ngunit naka lock yun.

"Kuya, palabasin niyo na po ako. Hinihintay po ako ng kaibigan ko." Saad ko.

"Miss, sandali lang. Di pa tayo tapos mag usap." Inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Kuya, wag po." Pagmamakaawa ko.

"Miss. Saglit lang to." Nakita kong binuksan niya ang belt niya.

"Kuya, sabing wag po eh!" Sumigaw ako at yumanig ang paligid. Nagulat si kuya kaya kinuha ko ang pagkakataon para suntukin siya. Agad siyang nawalan ng malay. Nabuksan ko ang pintuan at agad na tumakbo.

Nagtungo ako sa library. Sarado pa ito. Shet. Di pwedeng nasa labas ako. Delikado.

Naghanap ako ng daan papasok. Nakita ko ang likurang bahagi ng library. I opened the door and I was shocked it wasn't locked.

Agad akong pumasok. Mahaba pa ang gabi kaya nagdesisyon akong matulog muna dun sa mesa.

(Lukas' POV)

Di ako natahimik sa mga sinabi ng babaeng yun. Alam niya kung ano ang nangyari sa aking kapatid.

Hindi kaya siya din yung babaeng nakita ko nun? Galing ba siya sa hinaharap nun?

I decided to get out of the bed and took a cold and refreshing shower.

Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa library cafe. Dun na rin ako kakain mamaya. Habang papunta ako dun ay napaisip ako kung babalik ba si Celestina dun. For sure naman di na ulit papayag si Ethan.

Pero laking gulat ko nang matagpuan ko siya dun na natutulog.

"Celestina?" Di siya gumalaw. Ang himbing ng tulog niya. Ang amo ng mukha niya.

"Celestina." Tinapik ko ng marahan ang balikat niya. Nagising siya kinalaunan.

"Lukas?" Kinusot niya ang mga mata niya.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" Napakunot ang noo ko.

"Lukas. Kailangan kita makausap. Kailangan ko ng tulong mo." Tumayo siya. Nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Anong klaseng tulong ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Di ko maalala ang lahat ng aking nakaraan. My old memories are gone. Ayoko na sana ungkatin pa ito ngunit kagabi nanaginip na naman ako. Tungkol kay Ethan. Tungkol sa lalaking minamahal ko." Kalmado niyang saad.

"Anong napanaginipan mo tungkol sa kanya?" Nakataas ang isang kilay ko.

"Hindi ko natapos yung panaginip ko. There is a truth that he hides from me." Napabuntong hininga siya.

"And?" Pakiramdam ko kasi may karugtong ang sinasabi niya.

"I want you to help me to know more about Ethan Lee. I want you to help me find the truth that he hides from me so that I can no longer experience such unexplained dreams." Saad niya. Matagal ko siyang pinagmasdan.

***

Next update will be on Sunday. Double update for that day too:))
Happy reading 💜

Drunk-Dazed (Enhypen x IVE x TXT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon