Simula

5.8K 243 150
                                    

SimulaCresencia Arguelles

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simula
Cresencia Arguelles

May kasabihan na mahalaga ang bawat segundo sa buhay ng tao. Na kapag lumipas na, hindi mo na kailanman mababalikan pa.

I wished I could rewind time or freeze the hands of the clock to a particular moment in my life. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay sinimot ko na sana ang bawat minuto at segundo na magkasama kaming dalawa.

Masayang kumakain pa kami nang sabay. Ikinukuwento ko pa sa kaniya 'yong mataas na grades na nakuha ko sa lahat ng mga subjects ko. Sasabihin ko pa lang sana sa kaniya na nasa honor roll ulit ako.

Panay ang patak ng mga maiinit na luha sa aking mga pisngi habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Nana Veva. Pabalik-balik ang tingin ko sa kaniya, roon sa makina, at sa mga aparato na nakakabit sa kaniya, hindi kumukurap habang takot na takot na biglang mawala siya sa sandaling ipikit ko ang aking mga mata.

Pakiramdam ko'y may malaking kamay ang ngayo'y nakahawak sa aking puso, pinipiga ang partikular na bahagi'ng ito ng katawan ko.

Umiiyak na sinambit ko ang pangalan niya sa aking isipan kasabay ng mga taimtim na pakiusap na huwag niya akong iiwan. Kasi, papaano na ako? Siya na lang ang mayroon ako at hindi ko alam ang mangyayari sa akin sakaling mawala siya sa buhay ko.

Nana, gumising ka na!

Nana, ikaw na lang po ang kakampi ko.

Nana, para sa akin, pakiusap, mabuhay ka!

Nana, papaano na po ako?

Nais kong isigaw ang mga iyon ngunit kahit na anong subok ko ay walang lumalabas na tinig sa lalamunan ko. Durog na durog ang puso ko habang pinagmamasdan siya na bugbog-sarado at bali-bali ang mga buto.

Nana, patawarin mo po ako na nangyari ito sa 'yo!

Maingat na inangat ko ang kulubot na kamay niya na hawak ko at saka dinala ang likod ng kaniyang palad sa aking labi. Buong pagmamahal na hinalikan ko 'yon habang walang humpay na humihiling sa Diyos na sana ay kayanin niya ito.

Walang kurap akong nakatingin kay Nana Veva nang biglang nakaaalarmang tumunog ang makina na nakakabit sa kaniya. Napatayo ako sa matinding takot at kaba nang makitang unti-unting nanunuwid ang mga linya.

Ibinuka ko ang aking bibig upang sumigaw at humingi ng tulong pero wala talagang tinig ang lumalabas. Muli akong sumubok ngunit bigo pa rin ako. Bumuhos na lang ang panibagong mga luha sa mga pisngi ko sa kawalan ng makakaya.

Tulong!

Labag sa loob na binitiwan ko ang kamay niya kahit ayoko siyang iwanan at saka dali-daling tumakbo palabas ng kuwarto para humingi ng tulong. Tinakbo ko ang hallway at humahangos na nilapitan ang isang nurse na nakasalubong ko.

I Have Hated You Wrong [Luc Bastien & Cresencia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon