Messenger | 7:29 PM
Monday, November 14
Castiel:
Hi, Mama!
May good news ako!
Mama:
o ano?
Castiel:
Ako lang ang nakaperfect kanina sa exam!
Mama:
Oh ano naman?
Yung kapatid mo nga palaging nakakaperfect
Palagi pa syang top 1
Hindu kagaya mo na puro basketball ang nasa utak
Castiel:
Hindi naman po sa ganun, ma
Para sa scholarship ko din naman po yun
Mama:
Ngayon sumasagot ka na!
Yan ang natututunan mo sa mga barkada mo
Pinag-aaral ka tapos ganyan natututunan mo
Castiel:
Sorry po ma
Mama:
Nagpadala ako ng 5k
Bigay mo sa kapatid mo ang 2k at may babayaran yung project
Yung 3k abot mo sa tatay mo
Castiel:
Pa'no po ma yung project ko sa science?
Sa Friday na po yun
Mama:
Sa susunod ka na. Wala na akong pera
O kaya maghanap ka ng trabaho mo hindi yung masiyado ka ng pabigat
Tumulong ka rin sa mga gastusin!
You reacted 😊.
YOU ARE READING
High School Series #1: Her High Standards | √
Teen Fictionan epistolary | completed