68

115 12 3
                                    

Castiel:

Game na, love

Xariah:

My dad is a famous basketball player. Sa sobrang famous niya kinailangan niyang itago ang relationship nila ni mom dahil sa mga desperate fans niya.

Sobrang bata pa nila ni mom ng maging sila. And then, tumagal sila ng dalawang taon hanggang sa may nangyari sa kanila. At may nabuo.

They were only 18 years old when I was born. Maaga silang nagkaroon ng anak. Nagalit ang magulang ni mom dahil doon pero wala silang pakialam because they love each other.

Their relationship was fine, not until dad had to choose between his basketball career and his relationship with mom.

Pinili niya ang career niya at iniwan niya kami.

Pinigilan siya ni mom pero ayaw niya talaga. Sabi niya mas importante raw ang career niya kaysa sa amin.

Iniwan niya si mom dahil sa lintek na basketball na ‘yan!

Hanggang ngayon maingay pa rin ang pangalan niya dahil sa sobrang galing niya maglaro. Hindi alam ng mga tao na nagkaroon siya ng anak. Hindi alam ng mga tao kung gaano siya kawalang kwentang ama!

Kaya nag-promise ako sa sarili ko na hindi ako magpapapasok ng basketball player sa buhay ko but look at me right now. I'm doomed.

High School Series #1: Her High Standards | √Where stories live. Discover now