Ai:
As of now mahal hindi ko pa rin alam ang gusto kong kuning profession.
Gusto ko sanang maging professional basketball player kaso ayaw ni mama, eh.
My safe place:
Eh? Bakit naman?
Ai:
Bata pa lang kasi ako, hindi niya na talaga ako suportado sa pag-ba-basketball ko. Sabi niya wala raw akong mararating kapag tinuloy ko ‘yon. At dahil bata pa ako, gusto kong palaging hinihingi ang opinion niya sa lahat ng bagay, so tinatak ko sa isip ko na siguro wala nga akong mararating kapag tinuloy ko.
Sabi niya rin na maging praktikal ako sa pagpili ng course, doon sa sigurado na ang future ko.
My safe place:
Awww. It's okay, love, if you still can't figure out what you really want in the future. Marami ka pa namang time para malaman kung ano nga ba ang gusto mo. Just enjoy the process.
And kung gusto mo talagang i-pursue ang paglalaro mo, I will support you.
Baka kasi iniisip lang ni mama mo na magiging distraction lang sa ‘yo ang basketball. Just understand her, okay?
Basta no matter what happen, I'm always here for you.
I love you.
Ai:
Naiintindihan ko naman si mama. Alam kong kapakanan ko lang din ang iniisip niya.
I'm really blessed to be your boyfriend.
I love you, love. Thank you.
You reacted ❤️.
YOU ARE READING
High School Series #1: Her High Standards | √
Teen Fictionan epistolary | completed