060

54 5 0
                                    

♡♡♡

"Aga mo naman," Ani ko kay Kio nang makita ko itong nakaupo na sa pwesto niya. I've never seen him late, e. "May philo ka na?"

Mabilis itong umiling. "Ang talino mo sa math pero ligwak humor mo sa philo. Pa'no ka iccrush back ni ano niyan?" 

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam kung ma-ooffend ba 'ko sa sinabi mo o hindi, e."

"Good morning, class." 

I stopped and turned to the owner of the voice, Sir Rodriguez. Oo nga pala, general biology pala ang first subject namin ngayon kaya pumunta na 'ko sa p'westo ko. I noticed students gathering outside the room. I lifted my head a little more and stopped when I saw Ami across from our door.

Anong ginagawa niya sa room namin? Wala naman akong inannounce na meeting, ah?

"I have a quick announcement. STEM B will have a sit-in class starting today. Miss Lopera, you and your classmates may now enter the room." Anunsyo ni Sir Rodriguez.

"Yes, Sir." Tugon niya.

Lumabas si Ami saka isa-isang nagsipasukan ang iba niyang kaklase hanggang sa silang dalawa na lang ni Shi ang huling pumasok sa loob. The people sitting in the back were already full and only next to me and in front of Kio was no one sitting.

"Miss Lopera, take that sit next to Mister Montreal besides you're both on SSC." Nagtama kaagad ang tingin namin ni Ami nang tumango ito. "And Miss Tominaga, you may take that seat in front of Mister Nakamura, 'yung maputi." 

Tahimik lamang na dumaan sa harapan ko si Ami pero nanuot kaagad sa ilong ko ang amoy niya. Kahit na nagsisimula nang magdiscuss si Sir Rodriguez at nakikita ko sa peripheral vision ko si Ami. Napatingin ako saglit sa sinusulat niya.

Ang ganda ng sulat, pati siya.

I didn't know that I would be annoyed with our general biology because the class ended quickly. Napansin ko ring nagliligpit na siya ng gamit. Ni-hindi ko pa siya nabati sumila kanina, ayoko namang umalis siya nang hindi kami nagpapansinan pagkatapos ng usapan namin nu'ng nakaraan.

When she stood up, I called Ami by her surname, I was even a little hesitant to call her. "Lopera,"

"Hmm?" Her two thick eyebrows rose as if she hadn't expected me to call her by her surname.

"Ano... may meeting pala mamaya. Pakisabihan na lang 'yung iba." Shit ka. Anong ipapameeting mo mamaya, Sai?!

"Ah... sige," She answered calmly. I thought she was about to leave when I noticed her stop by my side. "Samira. Call me, Samira."

♡♡♡

You Left Me SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon