25

1.4K 97 46
                                    

***

Bianca's Pov


"FINALLY!!!"

Sigaw naming lahat as soon as the bell rang. That bell means midterms is done, pero that bell also means another struggle, tons of new plates ahead, new lessons and maybe new prof, I don't know. But at least yung mga tambak ko na plates noon ay tapos na, pati yung kay Zaha Hadid na pagka hirap hirap, natapos kona rin, with a little help from Yumi.

I know we had a deal na focus sa midterms at walang pupunta sa condo ng bawat isa, but you can't blame us, lalo na si Yumi na napaka pasaway. Ewan ko ba don.

She once tried na bumalik sa condo niya and past 11 pm na yon, ang ending, dito siya sa condo ko natulog. Turns out, hindi narin siya papapasukin. I honestly think na okay lang yon coz she can stay at my place or kayna Fat or Cassy.

Pero as much as possible pinipilit niya umuwi before 11 kasi talagang sermon ang abot niya kay Yuka.

"Game saan tayo mamimili?" nakangiting tanong ni Fat habang pinapanood ako mag likom ng gamit, eto narin sina Cassy at Natashia na papalapit sakin.

"Hindi ko alam kay Yumi, siya driver eh" sagot ko still fixing my things, hayop na exam kasi to.

"Eh ikaw naman jowa" pabalang na sagot ni Fat na parang walang nakakarinig sakanya na ibang tao, kaya agad ko siyang tinampal,

"Gago anong jowa sinasabi mo jan!" tanggi ko habang naka kunot ang noo.

My classmates are freaking looking at us.

"Joke lang shuta hindi ba pwede magbiro ha!" depensa ni Fat at inirapan pa ako.

Wow ha.

"Tara na nga naiinip na ako sainyo" at hinila na ako ni Cassy palabas ng room.

"Para ka naman baliw Fat, wala talagang filter bibig mo minsan eh no?!" irita kong saad, "Wow galit na galit eh binawi ko naman agad" muling depensa ni Fat, she also sounded irritated.

"Sige nga kung ikaw, ano paniniwalaan mo yung 'joke lang' o yung 'ikaw naman jowa'" pagtataray ko at hinarap na siya-

"Ano ba! Nasabi na oh, narinig narin nila, ano pa bang magagawa niyo? Wala na diba?" pag singit ni Cassy with her serious tone, "Eh pano tong si Fat ayaw magdahan dahan ng sinasabi- "

"Baket ba galit na galit ka? Totoo ba ha? Hindi naman diba?!" pag putol ni Cassy sakin at seryoso akong tinignan, "Ikaw naman Fatima, lagyan mo din ng filter yang bibig mo, mapapahamak pa tayong lahat sa mga sinasabi mo eh" dagdag pa ni Cassy at hinarap narin si Fat.

"At pwede ba? May party tayo mamaya oh! Ma-mimili pa tayo, tapos mag aaway kayo? The fuck! I'm out kung hindi kayo mag aayos ngayon" pag tatapos ni Cassy at tumayo sa harap naming dalawa ni Fat tapos naka cross arms at naka taas pa ang isang kilay.

Sa itsura ni Cassy muka siyang nanay namin ni Fat na pilit kaming pinagbabati dahil kung hindi, hindi niya kami isasama umalis.

"Sorry sa sinabi ko kanina, next time I'll be more careful" panimula ni Fat while facing me, so I looked at her and said, "Sorry din sa attitude ko kanina, I'll try my best to lessen that kind of attitude"

Then we both smiled at each other, "Crazy, paano nalang kayo kung wala ako diba?" pag mamayabang ni Cassy at agad na nagbago yung mood niya. Well, thank God she's here dahil totoo naman na kung wala siya baka hanggang sa party mamaya hindi kami mag papansinan ni Fat.

How I fellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon