CHAPTER ONE

12.4K 161 40
                                    

"Woah, ang ganda naman ng bouquet na ito. How much is this?"

Hahawakan na sana niya ang bouquet na nakadisplay sa shelf nang may lalaking naunang kumuha rito.

"Ahm, excuse me?" Galit na sabi ng dalaga sa lalaki.

"Sige lang po. Daan ka na," sagot naman ng lalaki nang nakangisi. Kunwari ay binigyan niya ng madadaanan ang babae palabas ng exit.

Pinuno ko ng popcorn ang bunganga ko habang pinapanood ang mala-telenovelang pagtatagpo ng dalawang taong nasa harapan ko. Na ngayon ay nagbabangayan para sa isang bouquet. Hindi ko naman sila masisisi, napakaganda naman kasi ng pagkaka-arrange ng mga bulaklak. Nagmana sa gumawa.

"Dalawang libo ang presyo niyan," sabi ko.

Pinunasan ko ang gilid ng bunganga ko gamit ng likod ng palad ko. Nginitian ko silang dalawa na biglang natahimik sa sinabi ko.

"Ah, sige. I gotta go. Thanks, I'll come again next time na lang." Nginitian ako ng babae bago tumakbo palabas ng shop.

Tinaasan ko naman ng kilay ang lalaki. Nananahimik lang ito habang nakatitig sa bulaklak, kinamot niya ang kaniyang ulo.

"Ikaw? Kukunin mo iyan?"

Tumango siya at lumapit sa 'kin. Nilabas niya ang wallet niya at napaangat ang dalawang kilay ko dahil ang kapal nito. Hmm. Mayaman.

"Do you do deliveries?" tanong niya.

Inabot niya ang bulaklak sa akin kaya ay kumuha ako ng paper wrapper sa gilid ko para ibalot iyon. Mahalaga rin ang packaging para mas lalong magandang tingnan.

"Ipapadeliver mo ba ito? May additional fee." tanong ko.

Umiling lang siya.

"Nagtanong ka pa." Walang buhay ang boses ko at inabot sa kaniya iyong bulaklak. Kita ko ang pagka-ilang niya sa akin.

Nasusungitan siguro.

Matapos niyang bayaran ang bulaklak ay agad itong tumakbo palabas. Hindi pa natatapos ang tunog ng wind chime ay tumunog na naman ito. Sakto ang pagpasok ng isang lalaking parang isang basketball player sa tangkad plus, he is quite mascular. Nakasuot ito ng plain black shirt and gray jogging pants. Napangiti ako nang masulyapan ang silver-blue niyang mga mata.

Amoy ko ang mabango niyang pabango. Mamahalin siguro ito.

"Hi boss!" I greeted him. Lumapit ako sa kaniya at hinila siya sa kaniyang kamay. Iginaya ko siya sa counter table at pina-upo. Minasahe ki ang kaniyang balikat pagka-upo niya.

"Nabenta ko iyong bouquet na ginawa mo kanina."

Tumango lang siya at seryosong nakatingin sa inventory report na sinulat ko. Nasa ibabaw lang iyon ng lamesa.

Nahalo rin ang amoy ng alcohol sa kaniya, parang fresh from hospital pa yata siya. Ganoon kasi kadalasan ang amoy ng hospital.

"Kumain ka na, boss?" tanong ko. Lumapit ako sa may bag ko at naghalungkat.

Umiling ito, "I'll eat later."

Napabuntong hininga ako. "Boss, alagaan mo iyang sarili mo. Ikakasal pa tayo."

Kinindatan ko siya. Tumingin ito sa akin at naningkit. Ang sungit naman.

"Stop messing with me, Miss Fernandez. You should start closing this shop after 5 pm." Tumingin siya sa wristwatch niya, may 30 minutes pa naman.

Napahawak ako sa mukha ko dahil pakiramdam ko ay nag-init ako nang pinaningkitan niya ako ng tingin. Bakit ang pogi niya lalo?

Inangat ko iyong bag dahil natatagalan ako sa pagkuha sa kukunin ko. Saan na ba iyon...

Before He Looks AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon