CHAPTER TWO

7.2K 130 33
                                    

"Love at first sight?" tanong ko kay Lottie.

Napangiwi ako sa mga pinagsasabi sa akin nitong ka-usap ko. Kanina pa ako nakikinig sa mga love advices niya kahit hindi naman ako nagtatanong. Kita ko ang pagningning ng mga mata nito na para bang isa siyang eksperto sa ganitong bagay. Sa pagkakaalam ko naman ay iisa pa lang ang nakarelasyon nito, at iyon ang kasalukuyan niyang jowa.

Kinamot ko ang batok ko at nangalumbaba sa lamesa.

Nandito kami sa isang cafeteria na malapit sa apartment namin. Dito kami madalas tumatambay lalo na kapag wala kaming magawa sa apartment.

Tumango siya sa akin at ngumiti.

"That's how my boyfriend and I fell in love... Mararamdaman mo talaga kapag nagkasalubong iyong mga mata ninyo. Susundan mo ng tingin bawat kilos niya nang hindi mo namamalayan. Tapos parang huminto na iyong mundo mo dahil nasa kaniya na ang buong atensyon mo. You will know when he's the one."

Masayang masaya siya habang nag-e-explain sa akin tungkol sa kaniyang love experience.

Blankong tingin lang ang tinapon ko sa kaniya.

Ako lang ba, o nangangamoy pagmamalaki lang ang intension niya.

I don't want to believe in love at first sight. Although may mga studies na nagsasabi na kahit sa loob ng ilang minuto ay maari tayong ma-fall sa isang tao. Pero para sa mga tulad kong hindi mapagtiwalang tao, keber na lang.

Sabi nang lola ko sa akin noong nasa probinsya pa lang kami ay hindi dapat ako magtiwala o magpakita ng motibo sa mga taong kakikilala ko pa lamang. Lalo na sa mga lalaking taga-siyudad. May mga nababalitaan akong mga babae sa probinsya namin na nabuntis galing dito sa siyudad at hindi naman mapanagutan.

Hindi ko nilalahat ang mga lalaki, pero ang akin ay dapat makilala muna nang husto ang isang tao bago mo ibigay ang pag-mamahal mo rito. Mahirap na masaktan.

Gusto kong maranasan magkaroon ng nobyo, dahil sa kuwento nitong si Lottie. Mukhang masaya naman at maganda. Pero I have lists in mind na dapat maging katangian ng lalaki bago ko siya papakisamahan. First, I want my man to be a green flag. Ayaw kong maging bulag o masochist.

"Here's your order ma'am," sabi ng waiter. Nilapag niya ang dalawang cup ng coffee sa lamesa at umalis na.

"Libre mo ito 'di ba?" tanong ko.

Inirapan niya ako at kinuha ang kaniyang baso.

"Ano pa nga ba?"

Tumingin ako sa labas ng café at pinanood ang mga taong nag-aabang ng kanilang masasakyan. Makulimlim ang langit at bumubuhos nang mahina ang ulan.

"You know, you can't control your feelings. Hindi mo naman puwedeng sabihing stop kapag nararamdaman mo na. Kahit man ilang beses mong ulit-ulitin sa utak mo hindi iyan parang bula na mawawala agad. What you can do is just accept it, and give it a try. Kapag hindi nag-work out, then move on," sabi niya.

Hinawakan ko ang mainit na baso na nasa harapan ko at nilaro ang hawakan nito.

"Ayaw ko nga masaktan. Siguradong hindi iyon magiging magandang karanasan."

Umiling siya sa akin. "Feeling hurt is part of living. Hindi mo iyan maiiwasan, so you should learn how to handle it well. Alangan namang takbuhan mo? How will you grow up? Mga kabataan nga naman ngayon."

"Do we deserve to feel hurt just because we are living? Is it a kind of punishment or a payment sa pagtira natin dito sa mundo? Can't we just be happy and satisfied?" tanong ko sa kaniya.

Tiningnan ko siya sa mata. Ngumiti lang siya sa akin at nagkibit balikat.

Lumakas lalo ang buhos ng ulan kaya sabay kaming napalingon sa labas. Nagsitakbuhan ang mga taong nasa labas. Ang iba ay pumasok dito sa loob ng café para sumilong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Before He Looks AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon