Kabanata 17

244 9 3
                                    

Kabanata 17


From : Nat Ganda

Hi! Get FREE 2GB of love, valid for eternity, when you invites us in your date before 'Maginit ang dugo ko sainyong dalawa.' Stay tuned for more Nat's rage freebies from Globe! Just text 09********* for your reply. And I, thank you!


Nakakunot ang noo ko habang binabasa ang message ni Nat saakin. Napalingon ako sa likod ko nang may kumalibit at nakita si Nat na winawagayway ang kaniyang cellphone habang may mugto ng ngisi sa labi.


After what happened earlier, there was this awkward silence that surrounded us. Nagpapasalamat lang ako ng agad itong binasag ni Nat at kinuha ang atensyon ni Shaun kaya nahila ko kaagad palabas ng canteen si Gian.


I heaved a heavy breath before grabbing my phone to text her back.


To : Nat Ganda

Sorry but your number is invalid. Please try again later.


Napanguso si Nat at inalog-alog ang braso ko. "Sama na kasi kami! Diba Gian?"


I glared at Nat before waving my hands in front of Gian. Sasabihin ko na sanang wag na nang maunahan niya ako.


Gian chuckled. "Sure, no problem! I actually planned to invite her friends so she will be comfortable."


Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nilapitan niya ako kanina upang ipaalala ang napagusapan naming gala. Wala namang problema kahit sa mga simpleng Mall or Park lang pero ang gusto pa niya ay sa Enchanted Kingdom!


Masyadong sosyal ang taong to.


"Then it settled!" Ngiting tagumpay ni Nat.


Sa huli ay wala na akong nagwa nang ibalita niya ito kila Shaun pero hindi namin inaasahan na sasama rin si Eloise. Wala namang problema saakin dahil kaibigan pa rin siya ni Shaun pero tong si Nat naman ay parang binagsakan ng langit at lupa ang itsura.


Sabado bukas at wala namang pasok kaya bukas na agad ang punta namin sa EK. Nang magpaalam ako kila Dad ay pumayag naman ito at lalo akong natuwa ng sabihing isama ko daw si Leah.


"Sure, Dad! I actually like to bond with her someday and I think this is the day?" I smiled ear to ear habang nakatingin kay Leah na abala lang sa pagkain.


"I'm not going," She said with no interest at all.


"Please?" I pleaded while still smiling.


"I said, I don't want to! Kailangan ko pa bang ulitin para maintindihan mo?"


Bagsak ang balikat na napanguso ako. Susuko na sana ako ng magsalita si Tita Grace na kinatuwa ko.

SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon