Kabanata 05

418 12 0
                                    

Kabanata 05 


"Good Morning, Ms. Asuncion!" 


Time do really flies so fast that I'm already in the sixth grade. Naalala ko pa noong nakaraang taon ang una kong pagkakaroon ng red days. And Shaun is the only one I am with. 


Nagsitayuan kaming lahat nang magring ang bell at kasabay non ang pagpasok ng aming guro. Natawa pa siya dahil hindi sabay-sabay ang pagbati namin. 


"Good Morning," She smiled. "Sa susunod dapat sabay-sabay na kayo ah? Mapagiiwan na tayo!" 


Nagsitanguan kaming iba habang ang kalahati ay umagal pa.


 "Hayaan niyo, Ma'am! Di hamak na mas matalino naman kami doon!" Sabi noong kaklase kong pinakamababa ang nakukuhang grade. 


"Kayo talaga!" Tinawa na lang iyon ni Ms. Asuncion. Luckily, our class adviser has a heart of gold. Ngunit madalas man siyang sumasakay sa kalokahan namin ay madalas din itong seryoso. I could see the passion in her eyes every time she teach.


"Take your seat first, I have an announcement to announce." Naupo kami lahat nang may halong pagtataka dahil sa sinabi niyang may anunsyo. 


Naghintay pa kami ng ilan sandali habang pinapanood si Ms. Asuncion ayusin ang kanyang gamit. She also look at her watch every minute as if waiting for someone.


"Let's just wait for him. Malapit na siguro," She said after finishing her stuffs.


Him?


Napasinghap ang mga kaklase ko tila may alam na sa susunod na sasabihin ni Ms. Asuncion. 


"Ma'am!" Tawag noong kaklase ko sa harapan. "May bagong transfaree po ba?" 


Ms. Asuncion snapped her finger and smiled. "You got it! Noong isang araw lang siya nag enroll dito." 


Namuo ang kaguluhan saaming mga magkakaklase. Nakalipas na ang tatlong linggo simula nung magumpisa ang klase namin. Kung tutuusin kinabukasan ay katapusan na ng buwan. 


"But, Ma'am! Di ba po matagal nang nagsimula ang klase? Bakit ngayon lang po mage-enroll?" 


"I don't have any idea either," Napakamot sa ulo si Ms. Asuncion. "I just know is that he came here for a special someone." Natatawang sabi niya. "Sana all, 'di ba?" 


"Sana all!" Sigaw ng mga kaklase habang sumisipol pa. Mostly, mga lalake yon. Kaming babae naman dito ay tahimik lang ngunit may iba ding nakikisali at mayroong pa nga mga nakangiti na parang kinikilg. 


"Asus! Kayo, mga bata pa kayo!" Turo saamin. "For all I know, they're just friends." Ma'am said and smiled at me.


Nangunot ang noo ko. Is that smile meant for me? Pinapasalamat ko na din na hindi iyon nakita na mga kaklase ko dahil gagawin nila iyong malisya. I don't even have a friend here.

SimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon