Mabilis akong lumabas ng sasakyan ni Carl ng makarating kami sa hospital. Hindi ko na sila nagawang hintayin pa dahil sa pagmamadali ko. Alam ko naman na agad din silang sumunod sa akin lalo na narinig ko ang pagtawag sa akin ng kaibigan ko. Pero dahil sa pagmamadaling makapasok sa loob ng hospital ay hindi ko na sila nagawa pang bigyang pansin. Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa entrance ng hospital. Isa itong private hospital, tama lang sa mga mayayaman na katulad ni Jonathan lalo na at maaasikaso siya agad sa ganitong ospital lalo na at may pera sila.
Natigil ako sa pagpasok ng may humarang sa aking dalawang lalaki na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin. "Are you Alelie Mayo?" Tanong ng isang lalaki sa akin. Nagtataka man kung bakit kilala nila ako, tumango pa rin ako.
"Sorry, Ma'am. Mahigpit na ipinagbawal ni Mrs Sanchez na huwag kayong papasukin." Napaamang ang labi ko sa narinig ko.
"Alelie, anong nangyayari?" Nagtatakang tanong sa akin ni Ella na nakalapit na sa akin. "Let's go." Sabi sa akin ni Ella at hihilain na sana ako ng bigla kaming harangin ng dalawang lalaki.
"What the hell? Bakit ni'yo kami hinaharangan?"
"Hindi po kayo pwedeng pumasok. Bilin ni Mrs Sanchez." Nakita ko naman na nagulat si Ella at Carl sa narinig nila. Mukhang kasama itong dalawang lalaki sa mga bodyguard nila. Malungkot na tumingin sa akin si Ella.
"Anong gagawin natin?" Rinig kong tanong ni Ella kay Carl. Mahina lang iyon ngunit narinig ko pa rin. Maski ako ay hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ko nga nakalimutan na maaaring mangyari ito? Lalo na ako ang sinisisi ng mga magulang ni Jonathan sa nangyari sa kanya. Napapikit ako. Simula pa lang naman noon, hindi na ako gusto ng mga magulang ni Jonathan. At hanggang ngayon. Idagdag mo pa ang galit na nararamdaman nila ngayon.
"Mukhang malabo tayong makapasok." Sabi ni Ella. Napatingin naman ako sa dalawang lalaki na hanggang ngayon ay nasa may entrance pa rin ng hospital at nakatingin sa amin. Halatalang binabantayan nila ang mga kilos namin.
"I have a friend." Agad akong napatingin kay Carl ng magsalita siya. Tumingin siya sa akin at saka siya ngumiti. "Dito siya nagtratrabaho at pwede tayong humingi ng tulong sa kanya. I'll call him." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Carl.
"Thank you, Carl." Pagpapasalamat ko kay Carl na ngumiti at tumango sa akin bago niya tinuon ang atensyon sa cellphone niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Gusto kong malaman ang kondisyon ni Jonathan ngayon at kahit iyon lang ang malaman ko mula sa kaibigang nurse ni Carl. Lumayo ng onti sa amin si Carl para makausap ng maayos ang kaibigan niya ng sagutin nito ang tawag.
"Don't worry. Gagawa tayo ng paraan para makapasok tayo sa loob. I'm sure matutulungan din tayo ng kaibigan ni Carl." Sabi sa akin ni Ella. Tumango naman ako sa kanya at tipid na ngumiti. Alas dose na ng madaling araw kaya nga gustong-gusto ko ng malaman kung ano ang kondisyon ni Jonathan ngayon.
Hindi rin nagtagal ay lumapit na sa amin si Carl na may ngiti sa labi. "Tutulong siya. Kailangan na lang nating maghintay sa balita niya." Sabay kaming nakahinga ng maluwag ni Ella dahil sa sinabi ni Carl.
"Thank you, guys." Naiiyak na sabi ko at saka ko niyakap si Ella na niyakap din naman ako pabalik. "Pasensya na kung naistorbo ko kayo."
"Its okay, lie. Kaibigan mo kami kaya handa kaming samahan ka." Tumango naman si Carl sa sinabi ni Ella sa akin kaya naman muli akong nagpasalamat sa kanila.
Kailangan na lang naming hintayin ang tawag ng kaibigan ni Carl pero according to Carl baka matagal pa raw iyon. Nagyaya sila na mag-coffee muna kami sa isang malapit na café pero tumanggi ako at sinabing hindi na ako sasama at magpapaiwan na lang diyo. Noong una ay ayaw nila pero sa huli ay wala rin naman silang nagawa. Bibilhan na lang daw nila ako kaya naman tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanila.
Kaya naman ngayon ay mag-isa ko na lang na dito sa labas ng hospital. Mabuti na lang at may mauupuan dito. Malamig nga lang lalo na at umulan kanina. Pero kahit na nilalamig ay tiniis ko na lang lalo na at naka-jacket naman ako.
Hindi pa rin umaalis ang dalawang lalaki sa pwesto nila kaya naman alam kong wala talaga akong pag-asang makapasok sa loob. Hindi ko pa nakaka-usap ang mga magulang ni Jonathan pero sa kanina, tingin pa lang nila sigurado na akong galit na galit sila sa akin at ako ang sinisisi nila kahit na wala silang sinabi. Alam kong may gustong sabihin sa akin si Tita Vanessa kanila pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon.
Agad akong napatayo at biglang nataranta ng makilala ko ang taong naglalakad palabas ng hospital ngayon. Si Tita Vanessa! May kasama siyang mga lalaki at mukhang mga bodyguard niya iyon kaya naman agad akong tumakbo para malapitan ko siya.
"Tita Vanessa!" I shouted. Nakalabas na siya ng hospital pero natigil siya sa paglalakad ng marinig niya ang sigaw ko. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay na tumingin sa akin si Tita Vanessa.
At nang tumingin siya sa akin, agad akong napaatras at napalunok ng makita ko ang nanlilisik niyang mga mata. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko lalo na wala ng mga salitang kaya pang lumabas mula sa bibig ko kaya naman nanatili akong nakikipagtitigan kay Tita Vanessa na masamang-masama ang tingin sa akin.
Hindi ko naman namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Naramdaman ko na lang na may isang bagay na dumapo sa pisngi ko. Nakaramdam ako ng sakit kaya naman napadaing ako at napahawak sa pisngi kong masakit habang hindi makapaniwalang nag-angat ng tingin kay Tita Vanessa.
"T-Tita.."
"How dare you! Pagkatapos ng mga nangyari, nagpunta ka pa talaga rito? Kapal ng mukha mo! This is all your fault!" Galit na galit na sigaw sa akin ni Tita Vanessa at napahikbi na lang ako lalo na ng maramdaman kong muli akong sinampal ni Tita.
"Kung may mangyaring masama sa anak, humanda ka."
"T-Tita-"
"Sto calling me Tita!" She shouted angrily. "Ilang taon kitang hinayaang makasama ang anak ko pero ngayon, I won't let you see my son." Nagbabantang sabi niya sa akin bago niya ako tinalikuran.
Umiiyak naman akong mabilis na sumunod sa kanya. "Tita, please! I-I'm sorry-" Akmang hahawak ako sa braso niya ng mabilis niya akong tinabig.
"Don't touch me!" Diring-diring sabi niya sa akin at agad namang kumilos ang mga bodyguard niya para mailayo ako sa kanya.
"T-Tita, please. Gusto ko lang makita si Jonathan." Nagmamakaawang sigaw ko kay Tita habang hila-hila ako palayo ng mga bodyguard niya.
"No!" Mabilis siyang naglakad palapit sa akin at saka niya hinawakan ng isang kamay ang baba ko at saka niya ako pinatingala. Napangiwi ako ng makaramdam ako ng sakit sa higpit ng pagkakahawak ni Tita sa mukha ko. "Tandaan mo 'to, Alelie. You will never see my son again. Never!" Sigaw niya at saka niya pabagsak na binitawan ang mukha ko. Kasabay din noon ang pagtulak sa akin ng isang bodyguard niya kaya naman napaupo ako sa kalsada.
Tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko habang pinapanood na naglalakad palayo si Tita Vanessa.
"Alelie!" Rinig kong sigaw ng kaibigan ko na ngayon ay kadarating lang. nakita kong tumatakbo silang dalawa ni Carl para makalapit sa akin pero bago pa sila tuluyang makalapit sa akin ay nakaramdam na ako ng pagkahilo at kasunod noon ay ang panlalabo ng paningin ko.
"Alelie!"
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
Romance"Some people are afraid of fire, but rare people become one." Five writers came together for a series collaboration called, "Flame Series," containing different burning tales about love that will teach you a lesson. #1: Taming The Fire by @_redink #...