Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang paglabas ng mga luha sa aking mga mata. May kulong at malakas na kidlat ngunit hindi ko iyon magawang bigyan ng pansin kahit na takot ako roon. Dahil ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang malakas na tunog ng ambulansyang mabilis na umaandar palayo sa kung na saang lugar man ako.
Nanghihinang napaupo ako sa kalsada at mas lalo pang lumakas ang aking pag-iyak. Basang-basa na ako dahil sa malakas na ulan. Nilalamig na rin ako pero wala akong pakialam hanggang sa maramdaman ko na may yumakap sa akin.
"A-Alelie, tara na.." Humihikbing sabi sa akin ni Ella na yakap-yakap ako.
Natatarantang mabilis akong lumingon kay Ella ng may maalala ako. "E-Ella, sumunod tayo." Umiiyak na sabi ko at mabilis na niyugyog ang braso ni Ella. "Ella, halika. Sundan natin sila!" Sabi ko kay Ella na umiiyak habang awang-awang nakatingin sa akin. Pero hindi ko iyon pinansin.
"Alelie, kumalma ka."
"Let's go, Ella. S-Si Jonathan, kailangan niya ako." Sigaw ko kay Ella na umiling-iling sa akin. Nanghihina akong tumayo at mabilis naman inalalayan ni Ella.
"Kumalma ka muna, Lie. Papunta na rito si Carl. Susunduin niya tayo." Sabi sa akin ni Ella.
"E-Ella." Umiiyak na sabi ko sa pangalan niya at saka ko siya niyakap. Nang makayakap na ako kay Ella ay mas lumakas ang pag-iyak ko. "K-Kasalanan ko lahat, Ella." Paninisi ko sa sarili ko habang inaalala ang mga nangyari.
Ten o'clock in the morning nang may matanggap akong text mula sa boyfriend kong si Jonathan.
From: Babe
Hey, babe. Good morning! Are you free?
Napangiti ako ng mabasa ang text niya sa akin kaya naman agad akong nag-reply.
To: Babe
Good morning, Babe! Yes, free ako later, why?
From: Babe
I'll call.
To: Babe
Sure.
Pinag-usapan naming dalawa na magkikita kami sa park dahil doon niya ako susunduin dahil may surprise raw siya sa akin kaya naman masaya akong mabilis na um-oo sa kanya. Kaya naman pagsabit ng ala sais ng hapon ay mabilis akong nag-prepare at nag-ayos ng sarili ko. At nang matapos ako, agad akong naghanap ng masasakyan na magjhahatid sa akin sa park.
Dumating ako sa park at wala pa si Babe but its okay since malayo ito sa kanila kaya naman matagal ang byahe niya and willing to wait naman ako lalo na excited din ako sa kung ano mang surprise ang meron siya. Sa pagkakatanda ko kasi ay wala naman kaming okasyon ngayon.
Si Jonathan ay long time boyfriend ko na since college. Five years na kami. To be honest, parehas naman na kaming nasa tamang edad at kung yayayain niya lang akong magpakasal ay papayag ako. Siya lang kasi ang tanging lalaki na nakikita kong makakasama ko sa future ko.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng mapatingin ako sa oras. Thirty minutes na akong naghihintay pero wala pa rin siya kaya naman tinawagan ko siya at ilang saglit lang ay sinagot din naman niya ang tawag ko.
"Where are you, Babe?" I asked.
"Hey. I'm on the way. Sorry, traffic kanina pero okay na ngayon. Nagmamadali na nga ako.." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Okay lang. Mag-iingat ka sa pag-" Natigil ang sasabihin ko ng makarinig ako ng kakaibang ingay mula sa kabilang linya. Sa gulat ko ay muntikan ko pang mabitawan ang cellphone ko pero agad din akong nabuhayan ng maramdaman ko ang kakaibang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.
"Babe?" Natatarantang pagtawag ko mula sa kabilang linya. "Babe, nandiyan ka pa ba? Babe?" Nanlaki ang mga mata ko ng makitang namatay ang tawag. Napatitig ako sa cellphone ko at ilang saglit lang ay napahawak ako sa pisngi ko na basa na pala ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako...umiiyak.
Jonathan.. what happened?
Muli lang akong natauhan ng marinig ang ilang mga usap-usapan ng mga tao.
"May aksidente doon."
"Ngayon lang? grabe naman."
"Oo. Nakakatakot nga. Hindi ko lang alam kung patay na 'yung driver noong kotse."
Nakaramdam agad ako ng paghihina sa mga narinig ko lalo na noong makita ang mga ambulansya at police na dumaan mismo sa harapan ko.
Nag-umpisa ng manginig ang katawan ko dahil kung ano-ano na ang naiisip ko kaya naman agad akong nagtawag ng isang motor at nagpahatid kung saan mang lugar naganap ang aksidente. At habang nasa byahe ay tuloy-tuloy na bumuhos ang mga luha ko habang nanginginig ang mga kamay na paulit-ulit na tinatawagan ang numero ng boyfriend ko.
"Please, answer my call."
Pero ang kaunting pag-asang natitira sa katawan ko ay agad na naglaho ng makita ang sirang kotse sa gilid. Ang kotseng iyon ay, pamilyar na pamilyar sa akin..
Dahil kotse iyon ng boyfriend ko.
"Shhh. Stop crying. Wala kang kasalanan, okay? Aksidente ang nangyari kaya wala kang kasalanan." Pang-aalo sa akin ni Ella pero umiling-iling ako.
"No! Kasalanan ko, Ella! 'Yung parents niya, ako r-rin ang sinisisi." Umiiyak na sabi ko. Nakita ko ang pagkislap ng awa sa mga mata ni Ella.
"Alelie."
"Please, Ella. Tara na sa hospital. Hndi ko kakayanin kung hindi ko makikita si Jonathan. B-Buhay pa naman siya 'di ba? Ako ang mag-aalaga sa kanya." Umiiyak na sabi ko. Alam ko na makakaya ito ni Jonathan. Hindi siya pwedeng mamatay. H-Hindi pwede!
"Alelie!"
"Ella, please!"
"Please, calm down. Fine, sasamahan kita pero hintayin natin ang boyfriend ko at kailangan nating magpalit muna ng damit dahil parehas tayong basa. Hindi ka pwedeng magkasakit, okay? Paano mo aalagaan si Jonathan kung may sakit ka?" Napatango-tango ako kay Ella. Nakahinga naman siya ng maluwag sa pagtango ko. Kaya naman naghintay kami kay Carl hanggang sa tuluyan siyang nakarating para sunduin kami.
Dahil na rin siguro sa pagod, dahil nang makasakay ako sa kotse ni Carl. Tuluyang nanghina ang katawan ko at naramdaman ko ang pandidilim ng aking mga mata hanggang sa mawalan na nga akong tuluyan ng malay.
Jonathan please don't leave me..
![](https://img.wattpad.com/cover/304200612-288-k879436.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing With Fire
Romance"Some people are afraid of fire, but rare people become one." Five writers came together for a series collaboration called, "Flame Series," containing different burning tales about love that will teach you a lesson. #1: Taming The Fire by @_redink #...