Jelly POV
Nagising ako sa ingay ng pagpukpok ng martilyo.
Oo nga pala bakasyon na, ano kaya pwedeng gawin ngayong summer, kung mag titinda ba ako gaya ng dati kong ginagawa tuwing bakasyon or mag relax nalang. oo nga pala ngayon din kasi ang simula ng pagaayos ng bahay ewan ko ba, nakikisabay nalang ako sa daloy ng buhay di naman kasi sinasabi saaking kung anong ganap na, kung sangayon ba ako o hindi.
lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa tapat ng lababo, hindi naman kami ganun kayaman para mag karoon ng sariling banyo sa loob ng kwarto no, may kaya naman kami, isang OFW ang mama ko, kahit nakaka miss na ok lang kasi naiintindihan ko naman ganun kasi talaga, Lahat gagawin mo maka ahon lang sa hirap, ang papa ko naman 5years old palang ako nun iniwan na niya kami ni mama. di ko alam kung bakit o anong rason niya basta nalang kasi siya umalis nun ni kahit anong alaala wala na burado na sa isip ko.
dahil nga sa under construction ang bahay namin, sa bahay muna ng grand parents ko kami ng kapatid ko nakikitira.
malaki ang bahay ng lolo at lola ko, tatlo ang kwarto, para sakanila ,sa magpinsan at saaming magkapatin. share nga kami kung tutuusin.
and oo nga pala, about sa pagkatao ko alam naman nila na Gay ako, lalo na yung kapatid ko ay nako, hindi ko pa nasasabi na sense na niya, iba talaga pangamoy ng babaeng yun animalistic. hindi naman ako gaya ng ibang ka pederasyon ko na kahit nasa bahay naka damit pambabae or naka make up pa yung mga ganun ba, simple lang ako i dont wear make up at lalong hindi ako nag dadamit pambabae. kung ano yung mga sinusuot ng mga ibang lalaki sinusuot ko din pero karamihan kasi sa mga ginagamit ko pang unisex.
kaya kung sino man ang nag sasabi na parepareho kaming mga bading?? well andito pa ako :D
matapos mag hilamos ang mag mumog, tinignan ko ang mga naka takip sa lamesa pwedeng makain. Ganito lagi ang salubong ng umaga saakin, sanay na sila na late akong gumigising laluna pag bakasyon kaya nag iiwan nalang sila ng kakainin ko at aalis sila para magtrabaho, ang lolo at lola ko may edad na sila sa totoo lang ayoko na nga silang pinag tatrabaho eh. Nahihirapan na sila, ang lola ko nag tatahi ,repair repair lang ng mga damit ng mga customer niya ang lolo ko naman isang officer sa barangay namin. Pero every thursday lang ang duty niya. Pero ngayong araw ng sabado ewan ko baka may nakuha silang patahi galing pang baryo.
Binuksan ko ang mga naka takip may tatlong pandesal , pancit canton at kanin with scrambled egg na may patatas at isang tasa ng milo ,my note pang naka lagay.
------
para may energy ka sa umaga :)
- wonder lola
-----
awww ang sweet. may nalalaman pang ganun pero ang cool ah hahaha parang siya lang ang lola na kilala kong nag i-stiky noteIlang sandali lang ay may taong gumambala sa aking masarap na pagkain. Sinilip ko dahil kita naman ang labas neto. baka customer ng lola ko yon sa patahi ,kaya tumayo ako, at tinignan kung sino.
pag punta ko dun, isang naka talikod na matipunong pangangatawan ang nakita ko
"Ehemm... Ano po yun?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Fanfictionnoted this story is BOYXBOY / GAY LOVE/ GAY ROMANCE isang baklang NBSB (no boyfriend since birth) at ayaw mag mahal dahil takot masaktan magbabago kaya ang tingin niya sa LOVE pag nakilala niya ang isang hamak na KARPINTERO lamang??