Jelly POV
"mang tony pabili po..." pantawag ko sakanya, nasa tindahan na ako at habol hininga si Reneson na naka sunod dahil niligaw ko pa siya. dapat lang no, kung tutuusin kulang pa nga eh.
"oh Jelly ano saiyo? may kasama ka ngayon ah." sabi ni mang tony, kilala na niya ako bata pa lang, sakanya ako bumibili, trusted buyer to haha, de joke may kakilala kasi ako dito, actually yung anak niya. kalahi ko XD oy hindi ako nag kalat ng lagim sakanya ah, basta nalang nalaman ko na nagyayaya siya namakipag laro saakin ng babrie kaloka. pinapatahi pa nga saakin yung mga damit eh. jusko. pero shempre ma pag kakakitaan yun. anyway back to reality
"oo nga ho eh alalay ko, bwiset eh hahaha pabili po ng dalawang litro tapos itong pandesal"
inabot naman ni mang tony ang litro, kiniha ko naman yun saka inabot kay reneson.
"oh para may silbi ka naman sa pag sama saakin" sabi ko. ka bwiset naka ngiti pa siya. nang aasar ba ito?
kinuha ko ang pandesal na naka plastic at agad na umalis.
kaimbyerna ah. ano bang meron sakanya??
Reneson POV.
na pagod talaga ako sa paghabol sakanya, ang bilis mag lakad, eh kaliit. tapos kung saan saan pa kami dumaan. alam ko kanina pa ako neto pinaglalaruan, dedma lang ,pero pag ako naka bawi di ko talaga to tatantanan. mike enriques po. XD
pa balik na kami sa lugar nila, as always na ngunguna siya, hay nako halatang umiiwas ito saakin. baka type niya ako.
"uy huwag ka namang mag madali ah, papangit ka niyan lalo" sabi ko. huminto ito saka lumingon na akala moy manika sa horror movie
"oh bakit?" sabi ko sakanya iba kasi nakikita ko kapag ganyan ang itsura niya, parang katapusan na ng buhay ko, siya naba ang sundo ko??
on the second thought, baka crush niya ako kaya siya naka titig saakin?? ay aba, saglit palang kaming nagkakakilala lahuhulog na siya, grabe ang isang to.
nasa ganun state ako ng pag iisip ng hinampas niya ako sa braso, ba nakaka ilan na to ah
(⊙o⊙)?
"ano bang meron sayo ha? nakaka imbyerna ka""anong meron saakin? pogi ako..."
at hinapas niya ako ulit
"oy nakaka rami ka na ah"
"wala akong pake" sabi niya saka umalis.
hindi naman masakit yung mga hampas niya, pero feeling oo kulay pula na ito. naka t-shirt pa ako sa lagay nato ha .
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Fanfictionnoted this story is BOYXBOY / GAY LOVE/ GAY ROMANCE isang baklang NBSB (no boyfriend since birth) at ayaw mag mahal dahil takot masaktan magbabago kaya ang tingin niya sa LOVE pag nakilala niya ang isang hamak na KARPINTERO lamang??