D A L A W A

4 0 0
                                    

J A I R U S

"Congratulations on making the top 2!"

"Ok lang 'yan team you did your best hindi na rin naman masama ang prizes ng top 2!"

"Nak ayos lang nak, panigurado marami pa rin oportunidad. Maganda ang naging laban ayos lang anak proud kami sa'yo."

Ngunit kahit ano pang sabihin nila parang lumulutang lang sa ere, pasok sa isang tenga labas sa kabila. Ganon pa rin kasi ang resulta - talo pa rin kami.

Napatingin ako sa gawi ng Scarlet Science Academy halatang masaya sila kasi ang ingay-ingay ng panig nila.

Bakit kaya ganon? Ang unfair ng buhay. Hindi na nila kailangan 'yong scholarship panigurado kasi mayayaman naman na sila. Pero I guess their motto of always winning will still remain.

Napatingin ako sa babaeng tila nagpanalo sa team nila. Malayo siya sa kaniyang mga classmates at nakasandig lang sa dingding  at nakatingin sa malayo.

Hindi ba dapat nilalapitan siya ng mga classmates niya at pinapasalamatan? Bakit parang mukhang outsider pa siya.

Bigla naman siyang tumingin sa'kin ulit. Bakit ba napapatitig siya sa'kin sa tuwing tinitingnan ko siya? Alam kaya niya?

Na sobrang naiingit ako ngayon sa kaniya?

"And now for the Best Scientist Award of today's Inter High Quiz Bee.... "

Simula ng host.

Napahinga ako ng malalim.

"The judges had a hard time deciding for this spot. This year's contestants were truly the best! Now when I call on these three students step up the stage please!"

Teka! Tatlo?Akala ko isa lang ang mananalo ng Best Scientist Award?

"Miss Lorelei Pandingan of National School of Tandag!" Napatingin ako kay Lorelei at ngumiti.

Mabuti pa siya may pag-asa pa. Matalino si Lorelei at may kaya ang pamilya. Hindi ko nga alam kung bakit sa public school namin siya nag-aaral. Siguro kung hindi lang humble at simplistic ang mama niya baka pinag-aral na rin siya sa SSA.

"Miss Gia Quinn Montenegro of  Scarlet Science Academy!"

Napatitig ako sa kaniya. At tama nga ako nang siya ang unti-unting nagtungo papunta sa stage. Poker face pa rin ang kaniyang mukha. Bakit gano'n? Parang walang excitement sa mukha niya, para bang expected na niya ang lahat at mukha siyang bored sa nangyari?

Napakuyom ang kamao ko. Sa lahat ng ayaw ko, 'yon 'yong mga taong ang taas ng tingin sa sarili nila. Kung sabagay nasa sa kanila naman na ang lahat. Pero sana man lang magpakita siya ng kasiyahan.

Ako nga gustong-gusto ko manalo, mas kailangan ko ang scholarship pero siya-

"Mr. Jairus Keith Valdez of National School of Tandag!"

Natigilan ako.

Totoo kaya? Natawag ang pangalan ko?

"Jairus! Jairus!" Inalog ako ni coach. At tinulak nila ako papunta sa stage.

Hindi ako lubos makapaniwala. Pwede ko pang makamit ang pangarap ko. Kasali pa ako sa pwedeng maging iskolar ng Musk International School of Science.

Para akong robot na naglakad papunta sa stage sobrang kabado ko at pinatayo pa ako sa gilid ni Miss Late.

Napansin kong mapatingin siyang bahagya sa gawi ko pero ng makatayo nako sa gilid niya deretso na ang tingin niya sa audience.

"One of you lucky contestants will get a hundred percent scholarship from Musk International School of Science! The Second place will get 50% scholarship to Musk International and the Third will get an all paid expense ticket to Hongkong!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Loving RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon