Chapter 11 :The Game was start

2.7K 82 4
                                    

Enemies P. O. V

Andito ako ngayon sa rooftop ng school namin at tinatanaw ang babaing masayang nakikipag biruan sa kanyang mga kaybigan. Claudy Chandy Montereal, malapit ka nang mawala sa landas ko.

Nawala ang atensyon ko sa grupo nila ng marinig ko ang pag bukas ng pinto dito sa rooftop at iniluwa nito ang isang babaing maputi, di katangkaran at mas bata pa sa akin ng isang taon. Ang aking kapatid..

'Mabuti nama't naka punta ka dito. 'Kaswal na pahayag ko at hinarap siya. Isang ngite lamang ang kanyang ibinigay sa akin.

'Kaya kung lusotan ang kahit na sino, Ate! ' natatawang pahayag niya at ikinailing ko nalang.

'Ito na ang tamang oras para mag pakita ka, aking kapatid. ' seryosong sabi ko sa kanya at ikinatigil naman niya ng pag tawa.

' Sabi ko na nga ba .'napapailing na pahayag niya. 'Balita ko kilala ka na nila. 'Seryosong pahayag niya at tumango lamang ako.

'Ngunit patuloy parin silang nahuhulog sa aking bitag. 'Kampanteng pahayag ko sa kanya. 'Kahit sino ay wala pang nananalo laban sa kan'ya, Ate kaya't kaylangan nating mag ingat. 'Malumanay na pahayag niya na ikinangise ko.

'Mas lamang tayo sa kanya, dahil patay na ang tatlo sa kanyang iniingatan tandaan mo yan. ' pahayag ko at hinawakan pa siya sa kanyang balikat.

'Ngunit napatay niya rin ang ating mga magulang. ' may diing pahayag niya. 'Kahit ganun ay nakabawi tayo sa kanya at mas masakit ang naidulot nun kaysa sa ginawa niya satin. ' May diing pahayag ko.

'Plano ay mananatiling plano kung hindi ka kikilos, tandaan mo ito na ang oras para ikaw naman ang gumawa ng hakbang. ' pahayag ko at tinap pa ang braso niya.

'Alam ko Ate. ' may diing pahayag niya 'Hindi mo ako kilala, lalong hindi mo ako gusto. Yan ang tandaan mo. ' pahayag ko sa kanya at tumango lamang siya.

' Magiging kaybigan mo siya at aayawan mo ako. Siya ang pipiliin mo kahit anong mangyari, ang plano ang susundin mo. 'Makahulogang pahayag ko sa kanya 'I'm your sister pretending is my game don't worry. ' nakangising pahayag niya.

My Dark Secret[MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon