☆★Epilogue★☆

2.3K 53 4
                                    

*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
.......A BLOODY WAR BETWEEN THE GOOD AND THE BAD.......
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
WHOSE GONNA WIN? GOOD OR BAD????
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
Enjoy!!!
©January2016

☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆

NARRATORS P.O.V

Sa isang tagong isla matatagpuan ang isang malaking mansion na umaabot sa limang palapag...

Masasabi mong bago at gawa sa mamahaling mga materyales ang mga ginamit dito upang maitayo ang maganda at malaki ang Mansion na ito....

Isang mahabang katahimikan ang namumuo sa buong isla, na hindi pangkaraniwan para sa ibang taong mga nakatira sa kabilang isla na ilang metro lang ang layp dito...

Alasdose yan ang oras ng isang mahimbing na pag tulog ngunit ang mga tao dito sa isla ay matyagang nagmamasid, nagbabantay, at nag aabang para sa pagdating ng taong kanilang special na panauhin...

Sa isang malakas at umaalingawngaw na tunog ng orasan ay ang hudyat na dumating na ang kanilang panauhin...

Agad na nag tungo sa kanya kanyang mga pwesto ang bawat tauhan ng mansion ,mabibilis ang kanilang mga kilos na akala mo ay may humahabol ..

Lahat ay ginamit na ang kanilang mga abilidad sa pagiging bampira upang maisaayos ang lahat...

Habang sa kabilang dako naman ay bigla nalang nagsulpotan ang mga lalakeng naka itim na galing sa kung saan...

Agad nilang pinugutan ang mga tauhan ng mansion na mga nakakaharap nila..

Kung minsan pa ay sumusulpot sila sa likod ng mga ito...

At kasabay ng mga katawang bumabagsak ng pugot ang ulo ay ang pag sulpot ni Empress Violet sa loob at mismong gitna ng pasilyo..

Isang ngise ang ibinigay ng pinuno ng mga masasamang bampira kay Empress na sinuklian naman nito ng isang nakakatakot at pakakapangilabot na nag pawala ng ngise ng mga bampirang nakapalibot sa kanya ngayon .

Ang kaninang masaya na emotion nila ay napalitan ng takot ngunit agad ring nawala dahil sa pag sigaw ng kanilang pinuno...

" KILL HER!! " sigaw ng isang mautoridad at nakakatakot ngunit nanginginig na boses ng isang babaeng nakatayo sa dulo ng pasilyo..

Agad na kumilos upang umatake ang lahat patungo kay Empress..

Samantala nanatili lang na nakatayo si Empress sa gitna ng pasilyo lahat ng atakeng natatanggap niya ay naiiwasan at nasasangga niya gamit ang hindi pangkaraniwang katanang minsan narin umubos sa buong angkan ng masasamang bampira...

Isa itong mabigat na pilak na may gintong hawakan na may nakaukit na E.V. ang palatandaan na pag mamayari ito ni Empress Violet. Ang kaninang makinang na ispada ay unti-unti nang nababalotan ng dugo,hindi na nagaksaya ng oras si Empress kung kayat lahat ng pinapadaanan niya ng kanyang katana ay bumabagsak ng putol ang ulo.

"IMPROVING.BUT.ITS.NOT.ENOUGH.TO.DEFEAT.ME." madidiin na saad ni Empress habang nasagitna ng laban.

Dahil sa kanyang sinabi ay lalong nainsulto ang kanyang mga kalaban at ngayon sabay sabay na siyang inaatake kung kayat masbinilisan at inayos na ni Empress ang kanyang mga atake na ibinibigay sa kanyang mga kalaban.

My Dark Secret[MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon