Chapter 3

23 0 0
                                    

Chapter 3 

Courtside


"Arriba! Letranista!"

"Go San Beda Fight!" 


"Arriba! Beda!" 



Both sides in Arena are cheering. Sobrang dikit ang laban. Ang mga tao ay sinisigaw ang kanilang panig ang iba pa nga ay halo halo na. Habang ako ay tahimik lang na nanonood dito sa courtside.


Mayroon nag-abot sa akin ng white envelope and Ferrero chocolate na three pieces kahapon. Sa loob ng envelope mayroon doon memo sheet.


Nood ka sa game bukas! See yah! :>

-Berry mo jay 🍓

Ang memo sheet na iyon ay mayroong maliit na strawberry na drawing niya sa tabi nang pangalan niya.


Nasa likuran ako ng mga players ngayon. Dalawang upuan ang pagitan namin ni Claire dahil katabi ko ang kaibigan niya.


"Hoy cheer mo naman si Charles kahit mga pirata tayo! Arriba Letran!" Sigaw ng kaibigan ni Claire na Shia ang pangalan.


"Pirata kayo tas kaming mga knights nagtataggol sa inyo!" Sabi pa ni Chanelle.


Habang nagbabangayan silang magkakaibigan ay napangiti nalang ako. Grabe yung friendship nila sa isa't isa. Iba't ibang school pero ang solid nila. It's so genuine. 


Yung team mates ko kaibigan at pamilya ang turing ko sa kanila but rival ang tingin nila sa akin nang maging rookie MVP ako last season. Tinutulungan ko silang lahat. Pero pabibo ang tingin nila sa akin.


"Hoy ikaw nga knight ka tapos cheer mo sa pulang lion ka taksil ka sa alma mater mo" Pang aasar ni Shia kay Chanelle.


"Taksil kung andoon ako sa pwesto ng mga lions. Kaso hindi nandito ako knight spot tapos courtside pa" Tama punto ni Chanelle. Hindi halata. 


Pero sa tingin ko ay mapaglaro si MJ. Tulad nga ng sabi ko kahit mga kaibigan niya ay hirap siyang basahin. Mukhang masasaktan niya si Chanelle.


"Kapatid alalahanin endless rivalry yan. Ang Knights at Lions ay hindi pwede" Natatawang sabi sa kanya ni Shia


"Ikaw nga sabi mo ayaw mo sa mayaman na conyo dahil maarte tignan mo nasa benilde ka" sabak pa sa kanya muli ni Chanelle.


The score was 48-51 lamang ang San Beda. I don't know what to do. Ganito pala kapag nanonood ka ng live game. Nakaka kaba.


And here was Jay for 2 points and the crowd cheer for him. Now the score if 50-51


And I saw my face sa screen. Kitang kita kung paano ako kabado dahil limang minuto nalang ang natitira at masyadong dikit ang laban.


Pieces of Memories [National Collegiate Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon