1: Intro

52 1 0
                                    

(A/N: Second story ko po, tinamad ako nung una e. Pero promise tatapusin ko na 'tong story na ito. Hahaha.)

Marco's POV

"Ang ganda talaga ni Hiraya." Bulong ko sa sarili ko.

"Sexy pa hahaha." Sabi nung katabi ko.

"Katawan lang naman habol mong hinayupak ka e hahaha!" Sabi ko.

"G*go hindi ah! Tulad mo ko kay Keith."

"Ako nanaman! Bwiset, Ako nanaman sinisisi niyo!" Sabi ni Keith

Ganyan kaming magkakabarkada, nagmumurahan, naghaharutan, pero walang titibag samin. Hahaha!

Ako ng pala si Marco Alexander Renz Santiago. Grade 11 student at ako lang naman ang pinakagwapo sa mundong ito. Hahaha! Pero kahit ako ang pinakagwapo, mabait at hindi ako manloloko. Si Marion, yung katabi ko, marami na siyang naging gf at lahat ng naging gf niya ay sexy. Yun nga lang sexy lang. 😂 Si Keith, ang pinakamasarap pagtripan sa aming magkakabarkada. Ang bilis niya kasing mapikon kaya lalo naming inaasar. Lahat ng bagay sakanya namin sinisisi. Hahaha.

Isa sa mga turo sakin ng lolo ko ay maging faithful sa babaeng mahal ko, at yun ang sinusunod ko hanggang ngayon. Kaso kamalas-malasan nga naman, di pa ako nagkakaroon ng gf. Hahahaha! Sa gwapo kong 'to no? Hindi kasi puro aral at instruments ang inaatupag ko, wala akong time sa mga gf gf na yan. Hanggang sa tinamaan ako kay Hiraya. 😁

"Okay class magbibigay ako ng homework kahit friday ngayon. Madali lang naman ito e kaya di maooccupy lahat ng oras niyo, okay?" Sabi ni Ms. Ruth, Science teacher namin. Siya teacher namin bago maguwian kaya oo nalang kami sa sinasabi niya para makauwi kami agad. Hahahaha! Kinopya na namin yung homework then nagligpit na ng gamit.

"Mga tol may sasabihin ako sainyo." Sabi ko sa mga kabarkada ko.
"Ano yun Marco?" Sabi ni Marion.
"Magpapatulong ako sainyo e."
"Kung sa assignment mo yan, kayang kaya mo na yan." Sabi ni Keith.
"Lul baka magpatulong ako sayo tinutulugan mo lang ako." Sabi ko.
"Hahahaha sarap matulog sainyo e." Sabi ni Keith.
"Ano ba yung sasabihin mo?" Sabi ni Marion
"Liligawan ko si Hiraya."

Note:
Guys iniba ko ha. Grade 11 nalang sila. Hahahaha. Para mas madaling maimagine.

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon