7: Take Us To Church

11 0 0
                                    

Hiraya's POV

Nasa mall parin kami nila Sasha and Janna. It's already 2 in the afternoon and they're still shopping. Kahit babae ako hindi ako masyadong tumatagal sa stores. Madali lang naman pumili e. Pwede ko namang bilhin lahat ng nagugustuhan ko e. Hahahaha.

"Bagay ba sakin, Raya?" Tanong ni Sasha. Pang maraming beses na siyang papili pili ng damit, wala paring bumabagay sakanya. Hahaha. Kanino pa namin nabili mga gusto namin e, hinihintay nalang namin si Sasha. Si Janna naman sobrang busy sa phone niya. Kahapon pa siya. Di ko yata siya nakitang hindi hawak ang phone niya.

"Sino ba yan Janna? Tuwang-tuwa ka sa kausap mo e." Di niya ako pinansin pero ngiting ngiti parin siya.

"Huy Janna!" Nabigla ata siya sa boses ko. Hahaha busy kasi.

"Ay! Bakit Raya?" Nahahabaan daw sila sa Hiraya, kaya Raya nalang. Tamad nga naman hahaha.

"Sino yang kausap mo? Kanina pa kita tinatanong. Hahaha." Nakikipagtext parin siya diyan. Girl time po ito! Hello?

"Basta nakilala ko sa facebook. Di ko pa siya nakikita. Hahaha di pa ba nagtetext boyfie mo?"

"Di ko pa siya boyfie no! Mas atat ka pa kaysa sakin e!" Natawa ako sakanya, siya pa yung excited pag naging kami. PAG. Kailangan muna iprove ni Marco saakin na worthy siya sa pagmamahal ko. Hahaha. Naka taltlong kanta na ang nakalipas nang bumalik si Sasha, malungkot. Wala 'tong napili panigurado.

"Tara na, magt-3 na. Magsisimba pa tayo ng friends ni Marion! Hahaha." Siya lang walang napili saming tatlo.

"Ang dami naman diyan e ba't di ka pumili?" I asked. Ang lungkot niya kasi e.

"Walang fish na sea ngayon. Wala akong mahuli." Kailan pa naging fisher 'tong babaeng 'to? Hahaha

"Huy Janna ang tahimik mo diyan ha! Sino katext mo?" Pati si Sasha nagtataka na. Hahaha. Sino ba talaga yun? Tsaka bakit di pa nagtetext or call manlang sakin si Marco? *sigh* trip lang ata ako nun e. Oo, napagtripan lang ako nun. Dare lang yun ng mga kaibigan niya. Wala siyang kwenta. Wala kang kwenta Marco.

"Easy Raya! Hindi lang tumawag, wala nang kwenta? Hahahaha!" Napalakas pala pagiisip isip ko! Shemay pero tawagan ko kaya? Hindi, dapat ang lalake ang tatawag, sabi ni Sasha sakin. Hahaha

"Huy Raya, text mo na prince mo, sabihin mo pasundo tayo sa mall. Hahaha!" Di ko kasi siya makausap e. Asan na kaya yun?

Tinawagan ko si Marco and after ilang rings may sumagot. Pero hindi siya.

"Hello?" Sabi ko pero ang ingay sa kabilang linya e. Di ko sila masyadong maintindihan.

"Hello Hiraya! Sorry tinotopak mga kaibigan ko ngayon e." Sabi ni Marco. Kahit sobrang ingay sa kabilang linya, naiintindihan naman yung sinabi niya.

"Mukha nga. Ang ingay diyan e." Ni-loud speaker ko para marinig nila Sasha.

"Marco, nasa mall pala kami. Pakisundo kami please kung ayaw mong bastedin ka kaagad ni Hiraya." Napatawa nalang si Marco nung sinabi yun ni Sasha. Atat na atat yatang makita mga kaibigan ni Marco. Hahaha. Basta makita ko lang naman si Marco, masaya na ako. *v*

Hinihintay nalang namin sina Marco. Then may biglang tumawa sa likod namin.

Si Janna pala. --__--

Bwiset to. Kanina pa nagtetext. Sino ba yan?! Nageye-to-eye kami ni Sasha and she already knew what I was thinking. Minsan lang kami gumawa ng kalokohan, because we're good girls. Pero malala kaming mangtrip. Hahaha this time, si Janna ang target namin.

Pumunta ako sa likod ni Janna. Di naman napansin ni Janna kasi busy siya katetext. Malalaman na namin kung sino katext mo! Muahahahaha!

One hand ko tumakip sa mata ni Janna, then the other hand hinarangan yung arms niya para hindi niya matago yung phone. Madali ko lang namang nagawa yun kasi mas malaki ako sakanya. Kinuha kaagad ni Sasha yung phone then binasa niya yung mga pinagtetext. Nakahug na ako ngayon kay Janna para hindi makawala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon