See HunHan on multimedia.
- x -
(Luhan's POV)
"Luhan, matagal kapa ba?" Rinig kong tawag sa'kin ni daddy mula sa baba.
"Malapit na, sandali lang!" Sigaw ko. Since nasa taas ako, kailangan kong sumigaw para naman marinig nila. Tinignan ko ang itsura ko bago tuloyang lumabas ng kwarto.
Nakita ko sina Mom at Dad na naghihintay sa'kin mula sa baba. May family dinner kami kasama ang Oh family. Sad to say, kasama din anak nila. Hindi ko pa naman gustong nakikita ang poker face niyang mukha.
"Luhan, hindi magandang pinaghihintay ang iba. Kanina kapa namin hinihintay, Alamo ba 'yon?" Sabi ni dad pagkababa ko. Lumabas kami at pumuntang garahe, sa kotse niya kami sumakay dahil hindi pa ko binibilhan ng sasakyan ng aking kuripot na ama.
"Eh, hindi ko mahanap 'yong hello Kitty boxers ko eh." Sabi ko at pumasok na sa likod ng kotse.
Napabuntong hininga si daddy at si mommy naman ay napailing. "Anak, hanggang ngayon mahilig ka pa din sa mga ganyan? God! Senior high kana, anak."
"Hindi ko na kasalanan na no'ng bata pa ako, puro hello Kitty na lang binibili niyo sa'kin. Tsaka mom, cute naman po ang nga pusa ah!" I said and pout.
"Hon, sabi ko naman sa'yo. 'Wag mo masyadong e-spoiled eh, ayan tuloy." Sabi sa kanya ni dad. "Nag-iba ang direksyon." Dugtong pa niya.
I rolled my eyes. "Mom, Dad! Normal ako. I'm not into boys! Manly po anak ninyo." I assured. Ano ba naman klaseng magulang sila? I love hello kitty because I'm MANLY! Gano'n talaga ang totoong mga manly. Tsk.
"Lu, tanggap naman namin ng dad mo if you are-" I cut my mom's words.
"I am not! Manly ako. You know, nagkagf ako no'ng sophomore pa ako. Swear!" I growled. Yes, nagkasyota ako dati pero hindi naman kami nagtagal kasi nakipagbreak siya sa'kin. Hindi ko naman kasalanan na mas maganda ako sa kanya, eh.
"Oo na, oo na." Mom said in defeat.
I crossed my arms at saka sumandal. Iidlip muna ako since mukhang matagal pa ang byahe.
"Luhan, don't ever think of sleeping. Dumating na tayo." Sabi ni dad kaya napaayos ako ng upo. Tsk. Nando'n na nga 'yong moment eh, papikit na sana ako oh!
Mom and I decided to go inside first, kailangan pa kasing epark ni dad ang kotse niya. Isang kilalang restaurant ang pinuntahan namin ngayon, ang blue hill.
When we entered, a man greeted us. "Good evening po ma'am and?" He stopped when he saw me.
"Sir." I said and rolled my eyes. Can't he see, I'm wearing a man's clothes?
"Oh, sir. So, um, how may I help you?" Tanong niya saka ngumiti.