Chapter 16

9.1K 164 46
                                    


UNEDITED

     NANG sabihin iyon ni Raz sa kaniya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang buong katawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG sabihin iyon ni Raz sa kaniya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang buong katawan. She doesn't want him to feel any less important because he was important to her as well. Very much.

But of course. Alam niya, she did something wrong and Raz doesn't deserve any of that.

     Inalis niya ang tingin kay Rex at tinuon ang buong atensyon kay Raz sa kabilang linya. Rinig na rinig niya ang malalim na pag hinga nito.

     "Are you happy?" Hindi niya inaasahan ang tinanong nito sa kaniya. What does he mean by that?

     Inulit nito ang katanungan nang hindi siya agad nakasagot. Umiling siya rito na para bang makikita siya nito. Si Rex naman ay lumabas ng sasakyan na hindi niya pinansin. Mas nag aalala siya para kay Raz.

"Please, Raz." Hindi niya alam kung bakit hindi niya masabi kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Rex just said he doesn't like her. Ayaw niya sabihin nasasaktan siya dahil alam niyang nasasaktan din si Raz.

"I guess, this is what you've been waiting for, right?"

"What?! No! I mean, hindi na— alam mo 'yon, hindi ba?"

"Alam ko nga ba talaga, Sinead?" Tumulo na ang kaniyang luha nang marinig ang tinawag nito sa kaniya.

    "Raz naman, eh! Hindi ito madali para sa 'kin. I like you both! I... I want you b-both." There she said it. Malandi na kung malandi. Gusto niya na sa kaniya lang ang dalawang magkapatid. Kaniya lang.

     If that means, kailangan niya agawin si Rex kay Lily ay gagawin niya. Mapunta lang ang dalawa sa kaniya. Wala na mapapala ang pagiging in denial niya. Kahit na hindi siya gusto ni Rex. Wala siyang pakealam. That's what she wanted.

    "Rex doesn't want you," parang isang bomba na pinasabog nito nang sabihin ito ng binata. Mas pinarating nito na wala siyang karapatan.

     "I don't care. I want you both, Raz! I'll do everything to get you both!" she firmly said bago ito pinatayan ng tawag at tinawag si Rex sa labas ng sasakyan.

Mariin niyang tinitigan si Rex nang maka-ayos ito sa upuan ng driver seat. Kumuha siya ng lakas na loob bago nag salita.

"I don't care if you don't like me. I will make you like me, Ridge."

"W-what?" hindi nito makapaniwalang saad sa kaniya. Halata rin ang pagkagulat nito. Hindi naman niya inalis ang tingin dito bago niya ito sinabihan na gusto na niya makauwi.

     MARIIN niyang pinatitigan ang sarili sa salamin. May determinasyon itong nakatingin sa kaniya. Wala na siyang pakealam sa sasabihin ng ibang tao kung bakit dalawang tao ang gusto niyang angkinin.

[#Dos] Blown Away: Sinead LayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon