Chapter 22

9.1K 130 16
                                    


UNEDITED

"SO, Kenji?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SO, Kenji?"

Nilingon niya si Rex nasa driver seat. Hinatid siya nito pauwi sa kanila. She hummed. Humawak ang kamay ni Rex sa kaniyang binti at marahan ito pinisil.

"I'm sorry, honey. I saw and heard you two earlier. I was worried kasi kung bakit tumagal ka."

She gasped sa gulat. Nagulat naman si Rex at agad na lumingon sa kaniya na may pag aalala. "I won't say anything. It's not my story to tell," ani Rex.

Bagsak ang balikat na tumango siya rito. Kenji was really important to her. Kababata niya ito sa probinsya bago sila lumipat sa Manila no'ng elementary siya. Kung saan nakilala niya ang kambal na prutas.

"You know, no'ng bata ako. Si Kenji 'yong palaging tumutulong sa 'kin. Sobrang payat ko kasi no'n tapos palagi ako binubully sa klase. Patpatin daw," kwento niya. Medyo natawa pa siya nang maalala ang nakaraan. Tahimik naman si Rex nakikinig sa kaniya.

"Siya 'yong unang kumausap sa 'kin. Simula no'n palagi niya sinisigawan mga kaklase namin. Galit na galit 'yon kapag nakakarinig ng panlalait sa 'kin."

"I'm sorry, baby. You don't deserve that but I'm glad Kenji was there for you. I know, ikaw din para sa kaniya," saad ni Rex. Ngumiti naman siya rito at hinalikan ang kamay nito.

"I really want to talk to him. Panigurado iisipin niya 'yong nangyari ngayong araw," nag aalala niyang saad.

"Alam mo ba kung saan siya tumutuloy? Gusto mo ba kitang ihatid?"

Napaisip siya. Hindi niya alam kung saan nakatira si Kenji pero kaya naman niya itong subukan i-text para alamin kung nasaan ito.

"I'll text him." Kinuha niya ang cellphone at tinext si Kenji. Hindi naman siya nabigo dahil nag reply ito agad sa kaniya at sinabi nito kung saan ang address nito.

Lumingon siya ulit kay Rex. "Please, take me to him."

"Of course."

KUMAWAY siya sa sasakyan ni Rex na paalis sa hindi kalayuan pagkatapos ay binalik niya ang tingin sa apartment ni Kenji. She was about to call him nang lumabas si Kenji.

It was already eight in the evening. Ayaw pa sana umalis agad ni Rex hanggat hindi nito nakikita si Kenji kaso pinilit niya ito mauna lalo na't ang awkward kanina nang magkita ang dalawa.

"Sinead!" Niyakap siya ni Kenji bago siya nito niyaya pumasok sa loob ng apartment.

Nagulat pa siya nang makitang may ilang kalalakihan ang nasa sala nanonood ng sport tv. Walang nag tanong kung sino siya pero ang mata ng mga ito ay sinundan siya hanggang makarating sila sa loob ng sa tingin niya ay silid ni Kenji.

"Pasensiya ka na sa mga iyon. Sinabihan ko sila na 'wag mag tanong kapag nakita ka kaso ang mga ugok. Hindi naman inalis ang mga mata sa 'yo." Marahan pang hinimas ni Kenji ang batok habang nag sasalita ito.

"Ayos lang. Ano ka ba!" saad niya. Pinaupo naman siya nito sa kama habang ang binata naman ay umupo sa swivel chair sa tapat ng study table nito.

Parehas silang natahimik. Walang nag sasalita maliban sa pagikot niya ng mata sa buong silid nito. Para kahit papaano ay may mapag-abalahan siya.

"Sin, kung nandito ka dahil nag aalala ka na I will overthink about it. Don't worry about me. I'm fine."

She bit her lower lip and looked at him. Hinagis niya ang sarili kay Kenji at niyakap ito nang mahigpit. Sobrang higpit. Nag vibrate sa katawan niya ang pagtawa ni Kenji bago siya nito niyakap ng mahigpit din.

"You're such a cry baby," asar nito sa kaniya. Pinunasan niya ang pisngi. Hindi niya namalayan na bumuhos na ang luha sa kaniyang mata.

"I don't want to talk about it but I promise I will tell you." Tumango-tango siya rito at mas hinigpitan ang yakap dito. Umupo rin siya sa kandungan nito habang yakap-yakap ito.

"Baka sabihin ng kambal mo pinapaiyak kita at inaagaw sa kanila."

Natawa siya sa sinabi nito at kinurot ang braso nito. Bigla siya namula sa sinabi nito. Marinig ang salitang sa kaniya ang kambal ay nag lilikot ang mga paru-paro sa kaniyang tiyan.

"Isasama kita sa family vacation sa semester break— I won't accept a no from you," dagdag niya sa huli nang maramdaman si Kenji na aangal sa kaniyang sinabi.

"Ano pa ba magagawa ko?"

Umalis siya sa pagkakayakap dito at pinatitigan ito sa mata. "I will always support you. You're like my brother na, no?"

Tumango ito at ginulo ang kaniyang buhok. "Yeah, I know. That's why I have to check the twins if they are really serious about you."

GULAT siyang tumingin kay Lemon. Bigla na lang kasi ito nang aakbay. Nabitawan nita tuloy ang hawak na bag na dapat ilalagay niya sa loob ng likuran ng van.

It was a day na family vacation nila. At hindi lang silang pamilya ang mag babakasyon dahil kasama nila ang pamilyang Martins.

Ang kanilang pamilya Castro at pamilya ng mga kambal na Martin. Dahil sa kanila nina Lemon at Peach ay naging kaibigan din ng magulang niya ang magulang ng mga ito.

"Mukhang magulatin ka ngayon, ah?" may mapang-asar ni Lemon sa kaniya. Inikutan niya ito ng mata. Lumapit naman ito sa kaniya at umakbay.

"Hindi makalapit sa 'yo si kuya Raz," bulong ni Lemon sa kaniya. Inabutan naman siya ni Peach ng isang mini paper bag.

Nakakunot na kinuha niya ito. "Kagabi ka pa raw nag c-crave ng matamis. Kaya, ayan." Agad namula ang kaniyang pisngi nang mapagtanto naalala ni Raz ang kagabi niya pang nirereklamo.

"Kainin mo raw 'yan agad," saad pa ni Peach. Sinilip niya ulit ang donuts nasa paper bag pagkatapos ay nilingon niya sina Raz at Rex natulong sa pag lagay ng mga gamit sa kabilang van.

May dalawang van silang gagamitin. Sa bawat van ay may anim na slots. Sa unang van ay para sa mga magulang nila habang sa pangalawang van naman ay para sa kanilang anak.

"Sina kuya Raz at kuya Rex daw sa driver at passenger seat," ani Peach kay tita Cece.

"Kasama si Kenji di 'ba? Nasaan siya?" tanong ni Lemon sa kaniyang tabi. Nalagay na rin niya ang gamit sa likuran.

"Malapit na siya. May tinapos lang siya."

"I didn't know na siya pala 'yong kababata na kinukwento mo no'ng high school tayo."

Natawa siya. Kahit siya kasi ay hindi nakilala si Kenji. Nag iba kasi ang build ng katawan nito at mas lalo nag matured ang facial features nito. Bata pa siya nang huling kita niya rito.

"Tay tres!" Lumapit si Peach sa ama at hinalikan ito sa pisngi. Umakbay naman si tito tres sa anak. Napansin niya pa na dumako ang paningin ni tito tres sa hawak niyang paper bag.

"Masarap 'yang donut sa branch na 'yan," ani tito tres sa kaniya. "Personal café ng kuya Raz mo, diba?" Natigilan siya nang bumaling si Tito tres kay Lemon pagkatapos ay parehas na may malokong ngiti tumingin sa kaniya ang mag ama.

"Tay, pati si kuya Rex. Personal favorite niya rin." Nang sabihin iyon ni Lemon ay mas lalo na siya namula. Gusto na lang niya mag pakain sa lupa dahil parang may double meaning 'yong pinagsasabi ng mag ama.

[#Dos] Blown Away: Sinead LayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon