12

295 10 6
                                    

LARA'S POV

Sabado ngayon,nandito ako sa mall,namimili ako ng mga bago kong damit,kasi sabi ni Miss Irene doon daw ako matutulog sakanila kasi ganon din daw dati yung dating personal assistant ni Senator Imee. Nakapag paalam na ako kila tatay at nanay pumayag naman sila agad.

Kailangan ko ng mga bagong damit kasi may mga butas na yung iba alangan namang dadalhin ko pa yun,nakakahiya naman sakanila.

Sa lunes na magsisimula yung trabaho ko,tumawag sa akin kagabi si Miss Irene sinabi niya sa akin kung ano yung mga dapat kong gawin. Sabi niya ako yung taga assist kay Senator Imee,ako taga bitbit ng mga gamit,nagaayos,taga check ng schedules niya ganon. Sa tingin ko kaya ko naman yun lahat.

After ko mamili,kasi gabi na din ako naka uwi eh nilabhan ko na yung mga damit,tapos bukas paplantahin ko at aayusin ko na yung mga maleta ko,parang mag aabroad lang noh,pero sa pilipinas lang.

*next day

Wala sila nanay at tatay ngayon sa bahay,nandito ako sa sala namamalantsa,pawis na pawis ako ngayon dahil napaka init,kahina pa ng hangin ng electric fan. Habang namamalantsa ako at lagkit na lagkit sa pawis ko,biglang dumating si Ace.

Pumasok siya sa loob ng bahay at umupo sa upuan namin na kawayan at doon umupo,naka cross yung legs nya

ACE : Hoy,bakla good luck tomorrow ha

LARA : Thanks bakla

ACE : Pag nakita mo nga sis si Sandro sabihin mo mahal ko sya

LARA : Gaga ka,kay Senator Imee ako hindi kila Sir BONG ²

ACE : Malay mo bisitahin nila si Senator diba?

LARA : ayoko nga

ACE : Ito naman kadamot

LARA : JOke lang ito naman,sige pag nakita ko

Tumayo si Ace at lumapit sa akin at niyakap ako

LARA : Ano ba,kalagkit lagkit ko oh

ACE : Okay lang hindi ka naman mabaho eh

LARA : ay talaga ba? walang amoy? hindi mabaho?

ACE : Hindi,wala nga eh,buti pa ikaw hindi kagaya ni jessa may putok

natawa naman si  Lara sa sinabi ng kaibigan

LARA : ikaw kagaling mo manlait,pero true beh kalakas talaga ng powers nya.

Nag appear kami ni Ace ganon yung ginagawa namin pag agree kami sa isa't isa.

Tumambay lang sya sa bahay maghapon.

ACE : Saan pala yung nanay mong bruha?

LARA : Pina check up si tatay

ACE : Ay napapakinabangan pala ang bruha

LARA : Maka bruha ka naman sa nanay ko

ACE : Anong nanay ka dyan,kapangit pangit kaya nya,tignan mo lag sinabi mo sa ibang tao na nanay mo sya walang maniniwala sayo. kasi malayo eh,for sure ako maganda at gwapo yung totoong parents mo.

LARA : So sinasabi mo ding pangit si tatay ko?

ACE : Gaga hindi si bruhang Myrna lang

Ganyan talaga si Ace maging sya naiinis kay nanay,simula nung nakita niya akong sinasaktan ni nanay. Si Ace kasi yung pinaka una kong naging kaibigan sakanya din ako nagsasabi ng mga problema ko.

LARA : Awat ka na nga umuwi ka na gabi na,may pasok pa ako bukas

ACE : Basta yung bilin ko ha?

LARA : Oo na tsupi na!

WAY BACK HOME (SEASON 2)Where stories live. Discover now