19

325 13 17
                                    

Lumipas na ang dalawang linggo ay wala pa ding pagbabago sa kondisyo ng tatay ko,binabantayan ko siya sa ospital,ilang linggo na din akong hindi nakakapasok sa trabaho ko pero naiintindihan naman ako ni Sen. Imee. Minsan kinukumusta pa niya ako dito kasama si Sir. Rodrigo.

11:29 p.m nagising ako nang maramdaman ko na gumalaw si tatay,nakaunan kasi ako sa mga kamay niya,nasa gilid niya ako. Hinawakan niya ang buhok ko at ginigising niya ako,agad kong minulat qng mga mata ko,bumungad sa akin ang tatay ko na nakatingin at nakangiti sa akin. Agad ko itong niyakap at naiyak na din ako"Tahan na"sabi nito habang nakayakao din sa akin"Tay,magpagaling ka po ha,wag mo akong iiwan,natatakot ako Tay"sabi ko sakanya,umalis ako sa pagkakayakap at hinawakan ko ang kamay niya,nginitian niya ako"Paano ka matutong maging malakas,kung hindi mo kayang tumayo sa sarili mong paa,alam mo anak,alam ko malapit na akong mawala. Ang gusto ko lamang ay mapasaya ka"

"Tay,sasaya ako pag nagpagaling ka,kaya please,wag muna ngayon,ihahatid mo pa ako sa altar diba?"sabi nito habang nakalagay ang pisngi niya sa kamay ni Nestor"baka hindi ko na maabutan yon,wala ka opa ngang jowa,tapos nanghihina na ako"sabi nito,natawa naman si Lara "Tay,sino nagsabi sayong wala? Kami na kaya ulit"sabi nito at ipinakita ang singsing na ibinigay sakanya noon ni Clark,nagbigay ng malaking ngiti si Nestor,nagpunta naman si Clark sa likod ni Lara at nakita siya ni Nestor"Ikaw,wag mong subukang saktan ulit itong anak ko,kung hindi mumultuhin kita"sabi nito habang seryosong nakatingin kay Clark"Hindi po,mamahalin ko po siya,at bibigyan ng masaya at maayos na pamilya"

"Mabuti yan,kampante ako na sa mabuting tao mapupunta ang anak ko"sabi nito at tumingin kay Lara"Mag mahalan kayo,kung mag aaway wag sasabayan ang isang nagagalit. Ikaw Clark wag mambabae naku talaga,lagot ka sa akin. Ikaw Lara,mahalin mo at pagsilbihan ang asaw mo dahil yun ang gawain ng isang mabuting asawa,ikaw Clark wag umabuso"sabi nito,nagtinginan naman sila Lara at Clark"Paano ba yan,pasado na ako sa tatay mo"Bulong nito kay Lara,ngumit sakanya si Lara at tumango.

Nakangiti si Nestor habang nakatingin sa dalawa,at dahan dahan nitong ipinikit ang mga mata niya,masaya siya dahil alam niyang mapupunta sa matinong lalaki ang anak niya,at kampante ito na mabibigyan niya ito ng magandang buhay. Tumunog ang mga makina na nakakabit sa mga katawan niya,nagsimulang mag panic si Lara,pilit niyang ginigising ang tatay niya ngunit hindi na ito humihinga. Napakabilis ng mga pangyayari,mabilis na tumawag ng doctor si Clark,at agad naman silang dumating para isalba pa si Nestor ngunit....

"Time of death 12:05 a.m"sabi ng doctor,yun ang kinakatakutang marinig ni Lara at nangyari na nga,nanlambot ang mga tuhod niya nang marinig iyo,napaupo ito sa labas ng kwarto ng tatay niya at doon umiyak ng parang walang bukas.

Pumasok na siya sa loob,nakita niya ang puting kumot na nakabalot sa tatay niya,hindi ito makapaniwala na iniwan na siya ng tatay niya. Para lang siyang natutulog"Tay,akala ko ba hindi mo ako iiwan?"sabi nito habang nakatingin sa bangkay ng tatay niya"Akala ko ba ikaw maghahatid sa akin sa altar,pag kinasal na ako?"

Humagulgol ito at niyakap ang bangkay ni Nestor,mahigpit niya itong niyakap,labis labis na sakit ang nararamdaman niya,espesyal na tao si Nestor para kay Lara,kumbaga para itong dyamante sakanya,ngunit nawala niya ito.

Ipinunta na nila si Nestor sa punirarya para maasikaso na ito,namumugto naman ang mata ni Lara sa kakaiyak kanina pa. Nakadating naman na kila Imee ang malungkot na balita.

Si Clark at Ace muna ang nag aasikaso sa burol,dahil kailangan magpalakas ni Lara. Nanghihina ito dahil hindi na ito makakain.

*FF*

Nasa kwarto si Lara ngayon,at nakatingin sa mga litrato at sinasariwa ang mga masasayang ala-ala kasama ang tatay nito. Habang naaaalala nito ang mga masasayang ala-ala ay mas lalo itong nasasaktan, knowing na yung taong nakakapagpasaya sakanya ay iniwan na siya.

WAY BACK HOME (SEASON 2)Where stories live. Discover now