Epilogue

80 8 3
                                    

1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1

Isang magandang binibining itim ang mahabang buhok pati na ang suot nitong bestida ang palaging sumisisid sa karagatan ng kawalan. Siya mismo ay pinaniniwalaan na walang iba na nakagagawa nu'n kundi siya lamang.

At dahil nagagawa niyang makarating sa ilalim ng karagatan, napapasakanya ang mga impormasyong nabura na sa pisikal na mundo. Sa tuwing may nalalaman siyang panibago ay kaagad siyang umaahon sa pampang kung nasaan ang kanyang kakambal, isang makisig at guwapong binata na malaki ang hawig sa kanya.

"Umbra!" Hindi pa man siya tuluyang nakakaahon ay sinunggaban na niya ang binti ng kanyang kakambal.

"Hm?" Tipid na tanong ng kakambal na lalake.

"Hindi kaya ito na ang tamang panahon upang lumipat tayo sa mas malalim na bahagi ng Tenebris?"

Pinagkrus ni Penumbra ang kanyang mga braso. "Ayokong makakasalubong ng ibang mga nilalang na may kakayahang makapasok sa mababaw na parte ng ating teritoryo!"

Inilahad ni Umbra sa kanyang kakambal ang kamay. Nagagalak na inabot iyon ni Penumbra.

Hawak-kamay nilang binagtas ang dulo ng bangin.

"Penumbra... Saan mo natutunan ang ngumiti?"

"Nakangiti ba ako?"

Tumango si Umbra.

"Hindi ba gusto ng mga lalake ang ngiti ng mga babae?" Inosenteng tanong ni Penumbra.

Nagkibit-balikat ang kanyang kakambal. "Kung sinuman ang ngingitian mong binata liban sa akin, sigurado ako na makakaaway mo iyon."

2

Ganymede:

Mali 'yung unang akala ko na alagad ng aking ama ang Knight na si Rai. Isa siya sa mga mas batang Calamitas na nag-infiltrate sa household ng mga von Hairenn upang ipaghiganti ang mga kagaya niya na hinuli at ginawang kasangkapan ng aking ama.

He waited for a good timing and set the rest of the remaining Calamitas free from the Dollhouse. Iniisip ko si Ate kaya wala akong balak na parusahan siya nang malala ngunit para ba'ng minsan ay hindi ko na nakokontrol ang aking kapangyarihan gaya ng dati magmula nang maging host ako ng kaluluwa ni Eden.

"RAI NANDITO NA AKO!"

Rrrrrrr...

Rai?

Rrrrr...

I braced myself for the inevitable.

Nakita ko kung paano manlumo ang aking Ate nang makita niya si Rai na puti na ang kulay ng mga mata. Wala na ito sa katinuan at kung hindi naging maagap si Ate, malamang na sinasakmal na siya nito.

Kinuyom niya ang kanyang palad. "GANYMEDE! WALANG'YA KA! ALAM KONG NANDITO KA PA!" Hiyaw niya.

Nagpakita ako sa kanya. Huminga ako nang malalim. "Siguro naman ay ititigil mo na ang kahibangan mo, ate Minerva."

Gusto kong makita niya ang kamatayan ni Rai sa aking mga kamay ngunit ikinulong niya ako sa isang espasyo.

"Ang kondisyon: hindi ka makakahinga dahil walang hangin."

Hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin iyon sa akin. "—Ate! P-pakawalan mo ako d-dito!"

Nagsimula siyang maiyak habang pinanonood niya akong naghihirap sa paghinga. Sa bandang huli, pinili pa rin niya ang pagiging magkapatid namin. Pinakawalan niya ako. "LUMAYAS KA SA HARAP KO, GANYMEDE! AYOKO NANG MAKIKITA PA ANG PAGMUMUKHA MO!"

Sinunod ko siya.

She has never been so stubborn after our last encounter. Nabalitaan ko na nakaupo lamang siya sa harap ni Rai na ikinulong niya sa kanyang barrier at hindi siya umalis sa kanyang puwesto. Hindi siya kumain, hindi uminom ng dugo. Ang mga araw ay naging linggo, hanggang sa naging buwan.Inabot ng kalahating taon na ganoon si Ate hanggang si Rai na nasa kanyang harap ay kalansay na lang.

I made an indirect intervention since I know it's my fault. Nakiusap ako kay Noir na kumbinsihin siya na tapusin na niya ang kanyang pagluluksa kahit pa hindi iyon ganu'n kadali.

Hindi ko alam kung ano'ng sorcery ang ginawa ni Noir at napahinuhod niya ang Ate ko sa awa naman.

As for me, I need to hunt and destroy the remaining Calamitas.

The End.

ForMad Tales: Tuna WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon