18

40 5 0
                                    

18

Ganymede:

What lies ahead inside the Prince's castle?

We always had this assumption that this place was fortified against any threats. I can't fathom how can the palace be this dangerous now even for the Prince himself.

Baka dahil hindi lang ako naniwala na kayang gumawa ng aking mga magulang ng ganito kalaking gulo sa monarkiya. Hindi ko lang din sila talaga lubusang kilala, sa totoo lang.

I am also a mystery to myself, being my parent's creation, of course. I always discover something new about myself, of what I can do, if I really put my mind into it.

We didn't notice anything out of the ordinary upon reaching the entrance to the castle except for the absence of vampires who were supposed to be here. That's something suspicious already and we need to be careful.

Hindi ako ang pinakaunang tumapak sa loob ng palasyo ngunit nang nasa loob na ako ay bumigat ang pakiramdam ko.

When I took a step forward, I think I might've activated something. Kitang-kita ko na naglaho ang sahig ngunit ako lang ang hinila ng gravity paibaba hanggang sa tuluyan na akong nahulog sa kadiliman.

****
Nagmulat ako ng mga mata at nasumpungan ko ang sarili kong nakaupo sa isang lumang silya. Nasa harap ko ang malapad na working table ng isang watchmaker dahil puno iyon ng napakaraming spare parts ng iba't-ibang klaseng orasan. The floor and the walls of this room were made of moving cranks and gears.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ang nakaupo katapat ko sa mesa na walang iba kundi ang aking ama.

Sa wakas, naisip ko. Nakadaupang palad ko na rin ang nag-iisang Groom ng Dollhouse, na walang iba kundi ang aking ama. I strongly hope it's not just a dream made by another Calamitas.

May resemblance siya sa kasalukuyang mahal na prinsipe pero hindi sila magkamukha. How to put it... I think they can be distant relatives. Gaya ni Eden, abot na yata hanggang talampakan ang kanyang buhok ngunit kakulay ito ng buhok ko at ni ate. Mas matingkad nga lang ang kulay ng sa kanya na para bang tunay na ginto.

Now I can understand why he secluded himself. He had a pair of white wings. I don't think he takes care of it. There's an obvious sign that he or someone tried to remove it. There's a breakage and loss of feathers near its joint. I don't think he is in his best condition. Kulay yeso na ang kanyang balat sa sobrang puti at puno ito ng lamat.

He is currently working on a pocketwatch, now replacing the balance wheel inside using some sort of a microscope.

"B-Bakit ako nandito? Nasaan na ang mga kasama ko?" I finally mustered enough strength to speak and break the silence. But I can't move a muscle.

Nakapatong sa mesa ang aking kanang kamay, my palms propped open, marked with some sort of a pentagram written in blood. Hundreds of red strings attached on every bit of my hand. A peculiar device with a pendulum is hovering above it.

"Aking anak," panimula niya. He looked so angelic but his voice feels like it's coming from the grave. "Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang iyong tadhana."

Ang aking tadhana... ibinalik ako ng kaisipang iyon sa nakaraan kung saan may isang nilalang na nag-prophesized na hindi ako mabubuhay nang matagal...

Bumuntong-hininga ako. Iba ang perspective ko sa buhay dati kaya noong sinabi sa akin ni Eden na hindi ako nakatadhanang magtagal sa mundong ito ay nagtanim ako ng galit sa kanya.

"Ngunit Pa... marami akong naranasan at natutunan sa paglipas ng taon. Hindi lahat ng imortal ay masaya sa nosyong mahaba ang kanilang buhay. Gusto kong maging katulad ng mga tao. Para sa kanila, ang nakaraan ay hindi na makatotohanang balikan. Ang kasalukuyan ay kanilang pinahahalagahan at palagi nilang iniisip na may pag-asa sa hinaharap."

ForMad Tales: Tuna WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon