Step 6: Be Comfortable and Enjoy with him/her

422 6 1
                                    

Ang pagiging enjoy at komportable mo sa isang tao ay nakatutulong para mas lalo pang mapalapit siya sayo, minsan ayaw mo mang gawin yung mga bagay na gusto nilang hobby syempre kaylangan mo padin makisabay, iba iba kasi ang tipo ng mga tao minsan may mga makulit, madrama, masyadong sensitive, at masayahin. kaylangan mo lang naman makisakay sa kanila syempre masakit masabihan ng "killing joy".

Ganyan din dapat ang pakikitungo mo kapag kasama mo ang hinahangaan/crush mo.

Kapag lubusan mo ng kilala at napalapit kana sa kanya panahon na para gumimik at mag gala kasama sya, tratuhin mo sya at pakisamahan tulad ng pagtrato mo sa pamilya at mga bestfriends mo yung tipong komportable at masaya ka kapag kasama mo siya.

Maging natural ka lang hindi mo kaylangan ng arte ang pagiging masaya naman kasi ng isang tao sa iba ay hindi pagpupumilit kapag alam mong gusto nya ang mga gusto mo at kaya nya ang mga kaya mo dun masusukat ang pagiging komportable sa ibang tao.

Kapag nagba-bonding kayo dapat lagi kang masaya sa mga ginagawa niyong dalawa at higit sa lahat hindi mo na kailangang mailang. Ipakita mo sa kanya yung totoo mong ugali at ang tunay mong nararamdaman.

Minsan naman kung kayong dalawa ay lumalabas magsama ka ng mga kaibigan mo at ishare mo din yung mga hobbies na ginagawa nyong magkakaibigan para naman sa ganun mas madagdagan yung mga bonding na magkasama kayo, naging masaya na kayo nag enjoy pa!

Kung inaya ka naman nyang lumabas wag kang tumanggi kasi isa rin yang paraan para mas lalo pa kayong maging malapit sa isa't isa at syempre mas madadagdagan yung pagiging komportable mo sa kanya.

Lagi mo lang tatandaan na ang pag eenjoy at pagiging komportable mo sa isang tao ay mas nakatutulong pa para masa gumaan at maging gusto ka nito bilang kaibigan man o higit pa dito.

Hindi naman masama makipagchill sa crush mo basta wag ka lang lalagpas sa limitasyong alam mong hanggang mag kaibigan lang kayo pumunta man ito sa relasyon pero alam mo na kung hanggang saan yung kaya mong iparamdam na enjoyment at kasiyahan kapag kasama mo sya.

Sulitin mo yung mga moments na magkasama kayo, yung mga moments na alam mong masaya kayong dalawa, at ang mga moments na kaya mo syang pakisamahan ng totoo at tunay.

Wag kang makaramdam ng hiya kapag magkasama kayo kasi mas mabobored sya at masasabi nya nalang na "ang panget pala kasama nito", mas magandang maging madaldal ka kasi ang mga kabataang Pilipino sa ngayon mas gusto na nila yung maraming usapan kapag kasama ang ibang tao.

Syempre wag kang mawawalan ng pagkatamad kapag kasama mo sya.

Ang pagiging enjoy at comfortable naman kasi sa ibang tao ay simbolo lang na totoo sya at kayang pagkatiwalaan ng isang tao. Kaya ENJOY lang natin ang ating pagkadalaga at pagkabinata!

Paano Ka Magiging Crush Ng Crush Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon