***
Charlotte PoV*
"Babe! . . . Where are you? I been waiting here!" Inis na tanong ko sa boyfriend ko.
Nasa canteen kami ni Aya and Louise kumakain na kami pero ang magaling kung boyfriend wala pa rin lagi na lang itong late.
"Ang alam ko Arl . . .he's with ian" Mahinhing sabi ni Aya malambing talaga ito si Aya kaya mas close ko sya keysa kay Louise.
Matapos marinig ang sinabi nito nag pupuyos na naman ang galit ko sa ian na yun mag iisang buwan na mula ng mag umpisa ang klase sya talaga ang problema ko, una sa academic dati ako ang nauuna ngayun sya na! wala naman problema sa akin eh talagang mas matalino sya.
Pangalawa ka bago-bago nya kilala na sya hindi ako naiinggit pero naiinis ako. Pangatlo si Zoe ilang beses akong lumapit dati para makipag kaibigan pero ayaw nito tulad ng sabi ko hindi ako naiinggit.
Pang apat sila Tyler ang tagal tagal na namin magkakilala pero hindi namin sila naging close ng ganun!, at pang lima ang boyfriend ko na harap-harapan at pinaparamdam sa akin na may gusto ito kay Ian.
Pag sinisita ko ito ang laging sagut lang nito, "sino ba ang hindi magkakagusto dito?" Kaya Lalo akong naiinis sa ian na yun. Lalo lang ako naiinis pag kinakausap ko sya pero titingnan lang ako nito na parang naaawa pa ito sa akin.
Si Aya mabait ito pero kay Ian lang ito galit kaya mas Lalo kaming naging close, si Louise naman hindi ko maintindihan kung bakit mabait ito sa babaeng yun, palibhasa may gusto ito kay Axel na ngayun ay Kaibigan ni ian.
"Naiinis na talaga ako sa babaeng yun! Kunti na lang makakatikim na sya sa akin!" Galit na sagot ko kay Aya.
" Relax bes! . .baka need lang talaga kasi nga silang dalawa ang representative ng school natin sa gaganaping high school science competition this month na yun" mahabang wika ni Louise Here comes the supergirl!, lagi na lang nitong pinagtatanggul yang ian na yan.
"Kaya pa! . . . Kasama sa practice nila ang paglalandi nito kay Stephen!" Medyu galit na litanya ni Aya na kinagulat namin ngayun lang kasi namin ito nakitang Nagalit.
Napansin siguro nito na nagulat kami kaya ngumiti ito sa amin at nag paliwanag, " Best friend ko ang girlfriend ni Stephen kaya nagagalit ako kung sino man ang lumandi dito saka pati si Axel nilalandi din nya eh!" Nakangusong sabi nito.
Na kinangiti ko saka niyakap sya gumanti naman ito ng yakap, "mabuti pa bilhan mo ng lunch saka puntahan natin sya sa science club!" Sabi pa nito saka bumitiw sa yakap.
Tapos na rin kami kaya bumili na lang ako ng lunch ni Stephen saka nag lakad kami papuntang science club habang papalapit kami nasalubong namin sila Zoe kasama nila ang babaeng kinaiinisan ko.
"Hi Louise!" Bati ni Axel kay Louise na gumanti ng bati din ito saka nilampasan na kami ng mga ito, Nakakainis sya ni hindi ako tiningnan ng mairapan man lang!. Kita ko sa mukha ni Aya ang galit sa mukha nito habang nakatitig kay Ian na nakatitig din dito.
Inis man pero diko na pinansin dumeretso na kami sa silid kung saan ang club ng boyfriend ko. Open ang pinto kaya pumasok na kami naka talikod ang mga ito kaya hindi ng mga ito napansin ang pag pasok namin tatlo.
"Grabe! Ang Ganda talaga ni ian! " Bulalas ng isang ka teammate ni Stephen.
"Bukod sa maganda na matalino pa! Talented pa!" Dagdag ng boyfriend ko na hindi parin napapansin na nasa likod nya kami.
"Luko ka! . . .may girlfriend ka na! Amin na si ian!" Natatawang usal ng isa pa.
"Come on! Crush lang naman!" Sagot dito ng boyfriend ko, kaya sa inis ko pinalo ko sya sa likod ng dala kung pagkain para sa kanya kinagulat naman nito ang ginawa ko.
"Babe!" Gulat na bulalas nito, nanlalaki pa ang mga mata na nakatitig sa akin.
"Crush huh!?" Mataray na sambit ko saka tumalikod at umalis na dahil inis na inis na ako susugudin ko ang babaeng yun!.
Simula ng dumating ang babaeng yan halos nanlalamig na ito sa akin, dati pag di ako makatawag sa oras ng tawagan namin sya ang tumatawag dati pag nag text ako ang bilis mag reply ngayun aabutin pa ng oras bago mag reply, hindi na rin kami madalas lumabas busy daw sya.
Aaminin ko nasasaktan ako dahil mahal na mahal ko sya, dahil din siguro nag seselos ako kaya subrang galit na galit ako kay Ian. Hindi ako papayag na sirain lang ng isang katulad ng babaeng yun ang aming relasyun!.
"Bes! . .saan ka pupunta! " tanong ni Louise nakasunod pala sa akin ang dalawa si Stephen naman humahabol din habang tinatawag ako hindi ako sumagot sa tanong ni Louise pupunta ako kung saan ang tambayan nila ian.
Nang makarating kami doon wala ang mga ito doon kaya tinanong ko ang isang studyanteng nasalubong ko, At tulad ng inaasahan ko alam nito kung nasaan ang ian na yun, para kasi mga bangaw ang mga ito habul ng habul sa babaeng yun.
Walang ano-ano nilampasan ko lang ito matapos nitong sabihin kung nasaan sila ian. Humanda ang babaeng yun ano bang klaseng gayuma ang ginamit nito para lahat ng mga studyante dito ay mapaamo nya.
***
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...