00: Confession

26 2 0
                                    


"Yo." Pigil ang ilang na tawag ko kay Khalil habang mahigpit ang hawak sa love letter na gawa ko pa last week.

Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob na ibigay 'to. Bukod sa malapit na siyang mabulok sa bag ko, hindi ko na rin kinakaya pa ang mabaliw gabi-gabi kaiisip sa kaniya.

Naihanda ko na ang sarili ko sa lahat ng pwede niyang isagot. Ilang beses kaya kaming nag-practice ni Bridge sa apartment ko. Hindi ko hahayaang mauwi sa wala ang itinulong niya sa akin.

"Yo." Malamig ngunit mahinahon niyang sagot habang nakapamulsa.

Kahit limang metro ang layo namin sa isa't isa, kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang kagwapuhan niya. Mula sa mapupungay ngunit seryoso niyang mga mata hanggang sa maninipis at mapupula niyang mga labi. Idagdag pa ang height niya na super ideal ko talaga.

Isa siyang hulog ng langit!

"Bridger asked me to come and see you. What is this for?" Tanong niya nang tuluyan na siyang makalapit.

Nanigas naman ako bigla nang makaramdam ng pressure sa tanong niya.

It's okay. Ganito lang talaga siya magsalita sa araw-araw. Sa tatlong taon naming pagsasama sa basketball club, sanay na ako sa ugali niya at kilala ko na siya deep inside. He's a really nice person - nagc-contradict lang talaga sa kung paano niya i-express ang sarili niya sa harap ng ibang tao. He cares for his teammates and friends outside the club kahit pa in a minimal way. He's a compose and calm guy who doesn't get mad easily as well. And the main reason why I like him so much is because he's Khalil Alegre.

He's the one and only Khalil Alegre.

"Ano..." Bago pa ako makapagsimula ay biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para tangayin ang buhok ko. Nawala rin ang araw at dumilim ang langit.

Mukhang sa maling araw ako sinapian ng lakas ng loob para umamin. Paano ba magpigil ng luha nang hindi nagmumukhang pangit?

"The weather doesn't look good. Are you sure you want to talk here?" He asked.

Napaatras ako konti dahil sa hampas ng hangin. Parang tatangayin pa ata ako nang wala sa oras. Napayuko ako sa sahig at ilang na natawa.

"No, it's fine. Mabilis lang 'to, promise." Huminga ako nang malalim at inipon lahat ng kailangan kong lakas para muling magsalita. Yumuko ako ulit at mariing pumikit.

Wala nang atrasan 'to, Naila. On the count of three, say it! One, two, three-!

"I like you!"

Napadilat ako bigla nang sumabay sa boses ko ang sobrang lakas na kulog. Nang mag-angat ako ng tingin kay Khalil, halata sa mukha niyang hindi niya ako narinig!

Hindi ko alam pero tinablan na agad ako ng hiya sa katawan. Sobrang init ng mukha ko at alam kong namumula na ako ngayon. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko, feeling ko sasabog ito anumang oras. Mas lalo akong nataranta nang walang marinig na kahit anong salita mula sa kaniya. Since mukha na nga akong timang na pinagpapawisan kahit malamig naman, kinuha ko ang kamay niya at mabilis na ibinigay ang gawa kong love letter. Sa sobrang aligaga ay nalukot pa ata 'yon pero wala na akong pake. All I care right now is to get myself away from him! Baka kapag tumagal pa ako lalo sa harap niya ay mabaliw na ako at tumalon sa rooftop!

Tinakbo ko ang hagdan pababa habang pinipigilan ang sariling maluha. Feeling ko kasi ay mission failed ang nangyari. Wala sa mga pinraktis namin ni Bridge ang nagkatotoo!

I'm so sorry, Bridge! I wasted your time and effort-!

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong mapatid sa sarili kong paa. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawang kumapit sa railings. Napasigaw na lang ako sa magkahalong takot at kaba.

Yo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon