03: The Unexpected Visitor

12 2 0
                                    


Lumipas ang isang buwan at hindi na nga ako nilubayan pa ni Bridge. Mula umaga hanggang gabi ay magkasama kami. Sa school man o sa apartment ko ay nakabuntot siya. Kulang na nga lang ay pati sa banyo samahan niya ako. Pero kahit na ganoon, hindi ko siya kayang patigilin o palayuin-hindi ko kayang mawala siya sa paningin ko.

Bridge's presence, surprisingly, puts me at ease. He never failed to reassure my inner child that everything would be fine as he would always protect me. Para bang walang mangyayaring masama kapag nasa tabi ko lang siya. Tila ba nakuntento na ang isip ko na lagi niya akong ililigtas. It was as if Bridge had suddenly become my life's savior... and I became completely reliant on him.

"Pres! Pupunta kaming cafeteria, may gusto kang ipabili?" Daniel, the club's secretary, asked.

"No, thanks. May maghahatid na ng meryenda ko mamaya." Nakangiti kong sagot at nagpatuloy na sa pagbabasa.

"Whoa. Dati ka bang anghel, Pres? Nakakasilaw ang kagandahan mo. Paano mo nagagawang magmukhang ganiyan araw-araw?" Bigla na lang siyang natulala sa mukha ko.

"Whoa. Dati ka bang baliw, Daniel? Pinanganak na talagang anghel si Naila. Hindi na dapat 'yan tinatanong." Kezi, the vice president, mocked as she rolled her eyes.

"Kaya ko nga tinatanong dahil manghihingi ako ng tips!"

"Pustahan, tulog lang isasagot niyan."

"Hindi pwede! Pres, huwag ka nang magpaka-humble. Hindi na uso ngayon ang natural beauty! Anong mga products pang-skin care gamit mo?"

"Huh? Safeguard lang na pink." Medyo mahina kong sagot.

"Safeguard?! Sabon ko lang 'yon 'pag tumatae."

"Ang bagra mo, gago. Baka naman mas maganda na pwet mo kesa sa mukha mo, 'di mo lang alam HAHAHAHA!"

"Tangina HAHAHAHAHA!"

"Hoy, ano ba kayo HAHAHAHA!" Natawa na lang din ako sa joke ni Kezi at sa lutong ng mura ni Daniel.

"Nakapagtataka talaga kung bakit parang araw-araw kang blooming, Naila."

"Hindi kaya dahil hindi ka na single, Pres?"

Natahimik ako nang bigla silang sumeryoso.

"What are you saying? Na nagd-date na sila ni Bridger?"

"Lagi kaya silang magkasama. Hindi mo ba pansin?"

"Sabagay. Pogi rin naman si Verdida. Bagay sila."

"Magaling din mag-basketball! Matangkad at ang puti pa, shuta!"

"Lord, anak mo rin naman kami."

"What if ampon lang pala tayo ng Diyos?"

"Gago, baka tira-tirang putik lang ginamit nung ginawa tayo HAHAHAHA!"

"Uhm guys?" Nakalimutan ata nilang nandito pa ako.

"Bababa ba kayo o hindi?"

Sabay-sabay kaming napalingon nang may biglang bumangon sa sofa. It was Samuel, the club's treasurer. Mukhang nagising siya sa ingay naming tatlo.

"Ito na, bababa na." Umayos na silang dalawa bago magpaalam sa akin. Nang maisara ni Daniel ang pinto ay napailing na lang ako.

Super taas ng energy nilang dalawa pero ayos na rin 'yon, at least hindi araw-araw boring dito. They make it very easy for me to work as their leader. I couldn't imagine the club without them, and I consider myself extremely fortunate to have them as members. That's why... I have no regrets about taking this path.

As of now, inaayos ko ang papers para sa gaganaping school festival sa Monday. Isang linggo 'yon and then after that week is the Inter-High kaya magiging super busy talaga ng schedule ko. Ito rin ang reason kung bakit nagkusa si Bridge na dalhan na lang ako ng pagkain dito sa club room. I said no at first dahil alam kong busy rin siya but he insisted. Wala na rin naman akong nagawa. Kung iyon ang ikapapanatag ng loob niya, siya ang bahala. Also, nasa akin naman ang advantage, aarte pa ba ako?

Yo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon