Prologue

22 2 0
                                    

Abala akong nagluluto nang makarinig ako ng ingay—mga yabag na nanggagaling sa taas.

It's already 7:24 in the morning but my brother just woked up.

Napailing ako at tinuloy na lang ang ginagawa.

He should be ashame of himself. He's the one who has a job, pero palaging huling magising.

Palakas nang palakas ang mga yabag nito, and in just a blink of an eye, I saw my brother next to me, looking fresh in his uniform.

Mabilis ko itong pinasadahan ng tingin at agad ibinalik ang aking paningin sa niluluto ko.

Walang imik naman itong kumuha ng baso at mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko itong tumalikod at nagsimula nang magtimpla ng kanyang kape.

Maybe it's weird but we don't acknowledge each others presence—I mean, he don't acknowledge my presence na sa una ay ipinagtaka ko.

Madalang na rin kaming magkausap. Kakausapin ni 'ya lang ako kapag may tanong siya at ganoon na rin ako sa kanya.

Magkapatid nga kami, ngunit parang mga estrangharo ang turingan namin sa isa't isa ngayon.

I sighed as I turn off the stove.

Kumuha muna ako ng malinis na plato at inilagay doon ang pinirito kong itlog.

I put the plate that's filled with scrambled eggs on the table before silently exiting the kitchen.

Tapos ko nang lutuan ng almusal si kuya, kailangan ko na ring maglinis dahil tapos na rin naman akong mag‐almusal.

I quickly grab the broom and dustpan from the back door before going upstairs.

I then happily start sweeping as I hum a tune.

I just love cleaning, nakaugalian ko nang maglinis na kahit pagod na ang katawan ko ay patuloy pa rin.

Hindi ako sanay na makakakita ng dumi kahit na alam kong kakalinis ko lang, lilinisin at lilinisin ko iyon kahit na ako mismo ang madumihan.

Clean freak huh? Aminadong aminado ako.

Mas mabuting kapaligiran ko muna ang malinis bago ang aking sarili, dahil anong silbi ng malinis at preskong katawan kung ang kapaligiran mo naman ay madumi.

Nang natapos ako ay agad akong bumaba ng hagdanan, ngunit hindi pa man ako nakakaabot sa baba ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Hudyat na nakaalis na si kuya.

Nang tuluyan na 'kong nakababa ay tinignan ko lang ang pintong nilabasan nito sandali bago pumunta muli sa kusina upang magligpit ng pinagkainan ni 'ya.

Hindi na 'ko mag‐aabalang lumabas para kumaway o ano man, tiyak kong wala rin naman akong maaabutan.

I just wish that he'll safely arrive to the town and come back home in one piece.

Nakakalungkot man ngunit hindi na kami tulad ng dati.

The closeness that we have before vanished. Like it didn't even exist.

Isang araw nagising na lang ako na parang hangin lang sa mga mata ng kuya ko.

I can't help but to blame myself for what happened to our parents that day.

Nasisiguro kong iyon ang dahilan kung bakit nagbago ang pakikitungo ni 'ya sa akin. He made me feel like it's my fault that that tragedy happened.

Hindi ni 'ya man iyon sinasabi, but his eyes said it all.

Para 'yung kasing linaw ng tubig, nakikita ko ang hinanakit at galit ni 'ya para sa 'kin sa paraan ng pagtingin ni 'ya.

He hates me.

Unraveling of SoulsWhere stories live. Discover now